Where’s the Iraq money for OFWs?

By October 3, 2007Punch Forum

Eddie
2 Oct 2007

 

 

Gusto ko lang itanong kung may iba sa inyo na nakakaalam ng perang nakadeposito sa PNB na ibinayad ng gobyerno ng Iraq sa ating mga “OFW’s” sa panahon ng “Kuwait Invasion”.

Narinig ko ang 2 empleyado ng PNB sa ibang bansa na lumalago (in millions of dollars) ang pera na para sa mga beneficiaries ng mga OFW’s.

This was a year before 911. Sabi pa ng employee na ito na ang pera ay in US currency, at ang gobyerno lang daw natin ang may “access” sa perang ito.

Ilan kaming nakarinig sa istoryang ito na nagtanong kung bakit hindi ibinibigay ng gobyerno natin ang perang ito sa mga taong dapat makinabang.

Ang sagot nila, karamihan daw ay di nila alam na nagbayad ang gobyerno ng Iraq sa gobyerno ng Pinas. At baka daw karamihan sa mga OFW’s ay patay na.

Nagtataka lang ako kung nasaan ang perang yun. May nakakaalam ba? Hirap lang kasi ang magtanong ng mga ganito, baka matepok lang tayo.

Inquiring minds want to know. Yun lang po!

 

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments