SA PANAHON NG PANDEMIA, NASA TAO ANG GAWA, NASA DIYOS ANG AWA

Tulang katha ni Gin Quesada (Pen and FB Name: Alpen Einsking)

 

Huwag ka lang panay dasal at hiling

Para maligtas sa Covid Nineteen

Mahalagang mga utos Nya’y sundin.

At isabuhay ang Kanyang habilin.

 

IKA-5 NA UTOS: IGALANG ANG MGA MAGULANG

Sundin mo ang iyong magulang.

Katumbas nyan ay: uturidad igalang

Sundin ang curfew; manatili sa bahay.

Pag may naramdaman ireport sa barangay

 

IKA 6 NA UTOS: HUWAG KANG PUMATAY

Alam ng Pangulo na kasalanan ang pumatay

Kaya naman patuloy ng Pangulo tayong binubuhay

Sa kanya at mga pinuno natin tayo ay magpasalamat

At sa mga frontliners na para sa atin nagpapakahirap..

 

IKA 7 NA UTOS: HUWAG KANG MAGNAKAW

Pag may binigay ang Pangulo

Siguruhin dumating sa kahit sino.

Hindi lang ang sayo ay bumoto

Ibigay pera, bigas, delata ng buo.

 

Ang mga ito pag di nakaratung sa kanila

Manghihina sila sa paglaban sa pandemya

Sa halip na ikaw ay nakatulong sa kapwa.

Pinarami mo pa ang mga magiging biktima

 

IKA 9 NA UTOS HUWAG PAGBINTANGAN ANG KAPWA

Kayo namang ang ayuda ng Pangulo ay napangakuan,

Huwag nyong pagbintangan ang mayor at mga kapitan.

Para ganado sila sa pagbibigay at pagpapa iral naman

Ng mga batas na kayo rin ang makikinabang.

 

ANG SAMPUNG UTOS MASUSUMA SA 2 SALITA NG PAGMAMAHAL

Paano kayo pagbibigyan sa inyong hiling at dasal

Kung hindi naman ninyo sinsunod mga Utos Nya at aral.

Ang sampung Utos mabubuod lang sa Dalawang Salita

Ito ay mahalin nyo ang Diyos higit sa lahat, wala ng iba

At mahalin mo, katulad ng pagmahal sa sarili, ang kapwa.

 

GOLDEN RULE GABAY SA PAKIKIPAG KAPWA

Huwag kang gumawa sa kapwa, ayun kay Mateo

Ng mga bagay na ayaw mong gawin nila sa yo.

Gumawa ka ng mabuti at susuklian ka ng kabutihan.

Mahalin mo kapwa mo, at ibibigay sa yoy pagmamahal.

 

Payuhan ang iba na mag ingat sa pandemya

At katulad din nila kailangang mag-ingat ka

Kung nagka covid sya, pati ikaw ay mahahawa

Hindi lang ikaw pati mga pamilya, bayan, at bansa.

 

SOLUSYON SA PANDEMIA

Pagtulong tulongan natin ang solusyon sa pandemya

Hindi makaligtas ang isa kung meron ang iba.

Makatutuong pagsunod sa Kanyang Utos at Aral

Pagmamahal sa Dyos, bansa at kapwa ang lunas

Na may kalakip na gawa, di lang paghingi ng awa.

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments