Deretsahan

By December 21, 2015Archives, Opinion

Drug problem as campaign issue

BEBOT VILLAR

By Bebot Villar

 

LAST week, we were made to witness inappropriate mudslinging among our presidential candidates. Ang latest na reported sa media ay ang hamunan ng “sampalan,” na nauwi sa “suntukan” at bandang huli ay “barilan” sa pagitan ng dalawa sa ating mga magigiting na presidentiables.

This is exactly what I’ve been writing about in my previous columns. Hindi po dapat mag-bangayan, mag-siraan o mag-patayan ang mga candidates just to win sympathy of voters. Sabi nga, “hinog na sa panahon” ang ating mga kababayan to know who deserves to be elected. Napakarami na po nang nangyari at pinag-daanan ng ating bansa at hindi mahirap tandaan ang mga ito lalo na kung ito ay nagpahirap sa ating mga mamamayan.

Also, our people only know too well that those who fought bitterly during the campaign period will still be the same people who will work hand-in-hand after the elections! Nag-iikutan lang naman po ang mga tao sa politika at sila-sila rin ang magsasama-sama at magtatrabaho pagkatapos ng eleksyon.

Kaya they should stop this nonsense. People would rather know how their candidates can help improve their lives, particularly how they can be protected from drug pushers. That should be the focus of our politicians.

For example, I know na maraming botante ang may gusto kay Mayor Duterte because of his platform kontra illegal drugs, at nakilala siya ng maraming Pilipino dahil sa kanyang pakikipaglaban dito. As mayor, he is aware that illegal drugs ang pinakamalaking problema na kinakaharap ng mga barangay. Dapat pamarisan siya by all candidates.

I really wish all of them will just concentrate on explaining their respective platforms of government instead of belittling and insulting each other’s accomplishments, at hindi yung sila mismo ang magsasampalan, magsusuntukan at magbabarilan!

Huwag na sana nila agawan pa ng hanapbuhay ang mga action stars at iba pang artista!

*          *          *          *

Dito sa Pangasinan, I know that the province-wide campaign kontra illegal drugs has intensified. Although hindi lang naman droga ang problema ng ating probinsya, ito pa rin ang nangungunang problema ngayon dito sa atin dahil based on records, talagang dumarami pa ang drug-infected barangays.

Kaya dapat tutukan nang todo-todo ang problema ng iligal na droga ng lahat, lalo na ng ating mga candidates sa national at local levels. If they can prove that they can do something to alleviate the drug problem, sigurado makakuha pa sila ng boto at support mula sa mga tao!

Kung gusto natin ang tumulong sa problema ng iligal na droga bilang ordinaryong mamamayan, marami po tayong magagawa. Others have started helping by giving tips to the police on who are the known drug personalities in their barangays. Others have volunteered to assist in the rehabilitation of drug dependents. Or if a member of your family was affected by illegal drugs, you can share with others the difficulties of having a drug-affected family member through a program of your local government or barangay.

Dumarami na po ang tumatawag at nagte-text sa ating mga kapulisan ngayon para lang isumbong ang notorious personality sa kanilang barangay. And that’s because people know that they are no longer safe in their own barangays, dahil maging ang kanilang barangay chairman ay alipin na rin ng iligal na droga! Kaya pwede natin masagip ang ating barangay kung hindi na natin uulitin pa ang naging pagkakamali sa nakaraang eleksyon! ‘Wag na natin bigyan pa ng pagkakataon ang mga barangay leaders na walang ginawa kung di ang magpakalat ng droga sa inyong barangay.

Napakabilis po ng oras at panahon. Araw-araw ay maraming nangyayari sa ating mga komunidad. We should always be vigilant to save ourselves and families from the dangers of illegal drugs. Kung mabilis ang ating mga kapulisan humabol sa mga kriminal, mas doble ang bilis ng mga sindikato na mapakalat ng iligal na droga!

*          *          *          *

Kaya isang paalala uli para sa ating mga kababayan, pag isipan nating mabuti kung sino ang mga ihahalal natin sa susunod na eleksyon mula pangulo hanggang konsehal! Let us find out who among them are prepared to jail the drug pushers in our barangays.

(For your comments and reactions, please email to: punch.sunday@gmail.com)

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments

Next Post