Deretsahan

By February 1, 2015Archives, Opinion

Mourning after the euphoria

BEBOT VILLAR

By Bebot Villar

 

AFTER the euphoria during Pope Francis’ visit to the country, the whole nation is now mourning because of the death of 44 policemen belonging to the Special Action Force (SAF) in an alleged ‘misencounter’ with the Moro Islamic Liberation Front fighters.

By the time this column comes out, tiyak na marami na ang nasabi tungkol dito. Pero for sure, there are still as many questions that need to be answered.

People would like to know kung sino talaga ang nag-plano ng operatioin na ikinamatay ng 44 SAF members. Kailangan ding matukoy kung sino talaga ang nag-utos sa SAF na pumunta roon. At kung ano ba ang pananagutan ng MILF sa nangyari.

And in answering all these questions, mahalagang maging convincing at credible ang mga sagot. Marami na kasi sa mga kababayan natin ang puntong hindi na naniniwala sa mga paliwanag ng ilang mga nasa gobyerno and they look at these as mere palusot!

Sa trahedyang nangyari sa SAF, maraming oportunidad ang mabubuksan, kasama na ang pagkakataong maibalik muli ang pagtitiwala sa pamahalaan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagiging honest hinggil sa tunay na nangyari sa Mindanao.

Kung may ina-asam-asam ding makita si Juan dela Cruz in the coming days, ay ang paggulong ng mga ulo ng mga dapat managot sa pangyayari, kasama na ang MILF at BIFF at ang mga lider nito.

Sa ngayon, ilan nang mga senador at mga mambabatas ang nag-withdraw ng kanilang support for Bangsamoro Basic Law. Lumalakas din ang mga panawagan sa pamahalaan para sa pagsasagawa ng marahas na action laban sa MILF.

Ang mas malaking tanong ngayon sa harap ng mga pangyayari ay: Can a lasting peace still be achieved in Mindanao?

*          *          *          *

Last week, nagulat ang mga kababayan nating nakatira sa mga coastal communities mula Alaminos City hanggang Aringay, La Union dahil sa pagsadsad ng mga dolphins sa kanilang mga dalampasigan.

Sa pinakahuling tala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), hindi bababa sa 17 dolphins ang nakita sa Lingayen Gulf since Monday until Tuesday.

Medyo na-high blood lang tayo when I learned na sugatan lahat ang mga dolphins at maaaring pinagsisibat ito sa karagatan ng mga commercial fishermen.

Sa pagkakaalam natin, ang mga dolphins ay friendly animals. Nagpapakitang gilas ang mga ito sa karagatan sa pamamagitan ng pagtalon at paghahabulan. This is the reason why coastal communities, where dolphins have been sighted, become instant tourist destinations. At pag may turista, there is money to be earned.

Nakarating din sa atin ang ulat na isa sa 17 dolphins ang kinuha ng isang mangingisdang taga-La Union at ang isa naman ay ini-uwi ng isang taga-Lingayen. Bawal ito! Dapat ay agad na ni-report sa pulis upang matugis ang mga tumangay sa dolphins. Under the law, pagkatay at kahit possession lang ng karne ng dolphins ay may kaparusahan.

Dapat hayaan na lamang natin ang mga creatures na ito to freely play in the sea. Huwag natin silang saktan, or worse, patayin.

*          *          *          *

There was a time in the distant past when almost all men in an island village in a western Pangasinan town had a missing finger or two in one or both hands. And there were many who had amputated arms and some were even blind. They were blast fishers.

Naging malaking problema ito sa Lingayen Gulf noong araw dahil blast fishing took place even right at the back of the capitol in Lingayen.

In recent years, blast fishing still took place but no longer as rampant as it used to be 20 or 25 years ago. And this time, agad na nahuhuli ang mga blast fishers dahil mismong mga kasama na rin nilang mga mangingisda ang nag-rereport sa pulisya sa pamamagitan ng text messages. Aware na rin kasi ang marami sa kanila na destructive ang blast fishing dahil masama ang idinudulot nito sa marine ecosystem.

But this should not be a reason for our maritime police and Coast Guard to be complacent. They should continue patrolling the seas to prevent not only blast fishing but other illegal fishing activities.

Their visibility in the seas will also serve as a deterrent to smugglers, who take advantage of our province’s long coastlines, to sneak in contraband items including illegal drugs.

In the process, they can also protect ang mga endangered species, katulad ng dolphins at whale sharks o butanding, na pumapasyal sa Lingayen Gulf.

I know may kakulangan tayo sa logistics, particularly sa mga tinatawag ninyong “floating assets.” But this should not be a reason to be complacent at maghintay na lamang ng reports sa ating mga opisina tungkol sa mga pangyayari sa dagat.

Sabi nga nila, kung gusto, may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments