Deretsahan

By October 27, 2014Archives, Opinion

Still no medical use for marijuana

BEBOT VILLAR

By Bebot Villar

 

PARENTS welcomed the Philippine Medical Association’s announcement that its members are against the legalization of marijuana in our country. Dapat lang!

Sabi ng mga doctor that the legalization of marijuana negates the policy of the state to protect Filipinos from the harmful effects of dangerous drugs. They understand the concerns of patients who may potentially benefit from the use of marijuana for medical reasons, but they felt it was their moral and ethical responsibility to safeguard the safety of their patients.

Malaking bagay ang pagtutol na ito ng mga doktor sa gustong mangyari ng House Bill 4477 o ang Compassionate Use of Medical Cannabis Bill. Tumututol tayo dito hindi lamang sa danger na maaaring idulot nito sa mga pasyente kundi maging sa mga kabataan. Again, marijuana is among the illegal drugs under the law at anumang illegal drug ay hindi lamang addictive kundi destructive.

Wala pa pong napatunayang medical use ang marijuana, katulad ng claim ng mga ilan diyan. In fact, the Philippine College of Physicians led by its president, Dr. Anthony Leachon, ay nag-propose pa lang ng pagbuo ng isang task force composed of experts to determine the effectiveness of medical marijuana in curing diseases or alleviating its symptoms.

So, nasaan ang medical use? Malinaw po na kahit ang ating mga dalubhasang doctor ay kailangan pa nilang pag-aralan ito.

Mainam din ang kanilang proposal na dapat ding bantayan ng task force ang importation ng marijuana plant extracts na gagamitin sa research para hindi mapunta ito sa maling mga kamay.

Sana, huwag nang ipagpilitan pa ang legalization ng marijuana. Huwag n’yo nang sayangin ang inyong energy para isulong ito. Aktibo na lang kayong tumulong sa pagsugpo ng illegal drugs. The lives you save may your own relatives’ if not your own.

*          *          *          *

Two crime incidents on Thursday recently hogged the headlines.

Ang una ay ang pag-rape ng isang tricycle driver sa isang first year student sa University of the Philippines sa Los Banos (UPLB) malapit mismo sa campus. Ang pangalawa naman ay ang pangho-hostage ng isang lalaki sa mga pasahero ng isang bus na galing Tuguegarao City habang nasa North Luzon Expressway (NLEX).

Maraming nagtatanong: Bakit nangyari ang mga ito? Dahil sa droga. Illegal drugs. Sa Los Banos, ang suspect na tricycle driver ay hindi maglalakas-loob na manggagahasa kung hindi siya bangag noong mga sandaling iyon. At nagiging malinaw na rin na ang hostage-taker sa bus ay “mentally unstable” noong isinagawa niya ang krimen. Mabuti na lamang at walang namatay sa dalawang insidente.

Sa dalawang incidents na ito, malinaw na ang illegal drugs ay may collateral victims. Ibig sabihin, hindi lamang ang user ang biktima nito but even innocent people who are victimized by drug users.

This is why I always appeal to the communities to support the campaign contra illegal drugs. I-text ninyo ang inyong police stations o mga barangay officials if you know of any drug usher or user. Hindi lamang sila ang tinutulungan nyong mailigtas mula sa tiyak na kapahamakan. You are also helping keep your community a better place to live in.

*          *          *          *

Mga Chinese nationals na naman ang mga bagong nahuli sa loob ng shabu laboratory sa Valenzuela. At malamang hindi na naman marunong daw mag-English ang mga ito.
Maraminng beses na may nahuling mga Chinese nationals operating shabu laboratories sa ating bansa.

Iyong anim na Chinese na nahuli ay nagpapatakbo ng drug laboratory na kayang mag-produce ng 15 kilos ng shabu daily, worth millions. Imagine ilan libo-libong mga kabataan ang tiyak na bibiktimahin na naman sana kung hindi natimbog.

Naglalakas-loob na pumunta dito ang mga Chinese to operate a shabu laboratory and produce shabu dahil lang meron silang malaking market sa ating bansa kundi makukulong lamang sila kung sila ay mahuhuli. Sa kanilang bansa, tiyak, bibitayin sila pag nahuli sila sa ganoong krimen pero walang death penalty dito.

Panahon na para muling pag-usapan ang re-imposition ng death penalty para sa heinous crimes. Lumalala ang crime situation ng ating bansa dahil walang kinatatakutan ang mga drug financiers at syndicates. Pati ilang mga pulis kasi, kriminal na rin dahil sila rin, walang kinatatakutang death penalty.

Sa ating mga kababayan, sulatan ninyo ang inyong mga congressman o congresswoman para muling isulong ang pagpataw ng death penalty sa mga kriminal!

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments