Deretsahan
Early vote-buying in barangays
By Bebot Villar
THIS early, nagkakaroon na ng girian para sa darating na barangay election.
May nag report na sa atin na sa bayan ng San Manuel, ang mga prospective candidates for the barangay election ay maagang namimigay na ng mga bags of grocery items gaya ng bigas, coffee, sugar at sardinas in their communities. And read this – may cash pa di umano na nakasiksik. Of course, may tarheta rin ng line-up ng mga posibleng candidates for other posts to be remembered. Swerte at malas nila!
Does this mean na madadaig na ulit ng maagap magbigay ang masipag magtrabaho?
Grabe naman, nag-umpisa na ng vote-buying or preview pa lang yan ng pag paparamdam at pagpapa- cute nila? Ito na ba yong tinatawag na first wave ng bigayan, tapos pag nag-file na ng candidacy ay may second wave, then bago dumating ang araw ng halalan ay tsunami wave na?
Siguro naman hindi relief goods ang tawag dyan sa mga pinapamudmod this early because hindi naman sinalanta ng anumang calamity ang barangay nila recently. Early Christmas gift kaya? Sobrang aga rin kung sakali. First month pa lang ng Ber months. September, pa lang so that means four months to go before Christmas!
The “candidates” are obviously trying to buy votes although it’s not yet considered vote-buying, according to the Comelec supervisor, Atty. Marino Salas, since they have not yet filed their candidacies. In fact, hindi pa nag-start ang filing of candidacy. Anyway, halatang-halata naman ang kanilang motive.
Ang pagkakabulgar ng ganitong campaign is a good indication na mataas na ang awareness level in the community about what is acceptable and what is not. People are no longer keeping quiet and malakas na ang loob nila to expose such tactic. It means, ayaw na nilang kunsintihin at malas lang ng mga nag-distribute because naging negative tuloy ang effect ng grocery items.
Napakaganda kung ituloy ang “shame campaign” sa lahat ng mga gumagawa ng ganitong “vote-buying” style for the barangay election.
* * * *
Here is a word of advice para sa mga trapong candidates. Huwag na kayong magkunwari na you are a Good Samaritan sharing your blessings to others kuno! Halatang-halata ang motive nyo. Style ninyo bulok!
Isa pa, huwag na nga tayong maglokohan na you don’t intend to recover your “investment.”. We all know that many candidates spend all the way tapos pag na-elect na, gagawa na ng kabalbalan, kinukupit na ang pera ng taong-bayan! Hindi lang sila naka-recover, tumubo pa nang malaki while in office. Hindi na nakapagtataka na many of those elected ay gumaganda ang status sa buhay, dumadami ang SUV at bahay, at nag-iiba ang lifestyle!
But ang mas malaking problem for the barangay residents ay ang malaman nila na ang mga ma-bonggang gumastos at nanalo ay financed pala ng mga drug lords na gustong mag-operate sa mga barangay nila. Sigurado controlled ng mga pushers at addicts ang barangay from day one pag sila ang nanalo. Kaya be careful and beware of overly generous candidates. Matakot kayo!
The problem naman kasi sa mga voters natin ngayon, marami ang ipinagpapalit ang mabuti at magaling na candidate for good governance to whoever can provide ng pangtawid-gutom nila para sa isa o dalawang araw lang. They choose their candidates based sa sino ang mas makapagbigay ng mas maraming cash and goods sa kanila. Kaya tuloy mga laos na corrupt at mapagsamantala sa pamamahala ang nagiging leader nila. Pagkatapos ng election, namumuti na ang mga mata nila sa paghihintay ng tunay na public service.
Anyway, expect natin na mas mainit itong barangay elections dahil kanya-kanyang family clan ang maglalaban at magbabantayan. Mas maliit ang lugar na kanilang ginagalawan kaya amoy na amoy ang bawat galaw ng mga possible aspirants.
Sana tigilan na yang pamimigay ng mga grocery items at pera. Naiiyak tayo sa billions na ninanakaw ng mga nasa likod ng pork barrel scam. Hindi ba’t nagsisimula dapat ang pagbabago sa ating mga barangay?! Make the barangay election as the opportunity na ang mga baluktot ay maituwid at ang mga balasubas na barangay officials ngayon ay mapalitan ng mga true and deserving!
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments