Deretsahan

By July 21, 2013Archives, Opinion

Lawmakers’ P10-B panic

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

OUR senators and congressmen are already in panic over the expose ng isang disgruntled employee of JLN Corp., accusing his big boss na nagkamal kuno ng P10-billion mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng 28 lawmakers.

Mga ghost projects lang daw ang pinagkagastusan ng PDAF nila at ibinulsa lamang ito ng mga kasabwat sa fund scam na gamit ang mga fake non-government organization (NGO).

True or not, ito ngayon ang isang malaking pasabog although hindi na bago ang ganitong expose. Ilan na nga bang malalaking fund scam ang in-expose? Fertilizer fund scam, coco levy fund scam, PEA Amari Scam, NBN/ZTE deal, ilan lamang ang mga yan. But after these were investigated, what happened? Hanggang expose na lang ba?

This P10-billion pork barrel scam scandal needs an exhaustive, no nonsense, impartial, fair and honest-to-goodness probe. The amount involved in this latest scam is mind-boggling kaya yan mismo ang gusto ni Pangulong PNoy.

Itong si Janet Lim-Napoles, na stockbroker and owner of JLN Corp., ang inakusahan ng kanyang distant relative at dating empleyado na si Benhur Luy, ang whistleblower, bilang utak sa likod ng racket na ito mula sa katas ng PDAF o pork barrel ng ilang senador at congressmen.

Anak ng tinapa naman itong grupong ito! Sobrang hanep pa sa lakas kung makahataw sa pera ng bayan! At nakita n’yo ba sya sa TV? Aba’y sobrang tapang pa! Kawawa nga daw ang mga involved dito at mga paninira nga lang daw.

According nga to Sen. Bong Revillla, one of the identified senators, maagang paninira daw, or demolition job sa kanya itong pagdawit sa kanya dahil may plano itong mag president sa 2016. Another unnamed senator na ayon sa ating bubuwit ay hindi na daw makausap because sobrang aburido ito. Hindi kaya nawawalan na ng katinuan si Mr. Senator?

One congressman naman from the North na nagsabing wala siyang kinalaman sa accusation against him. Wala daw alam ang mga farmers in his district na pinakinabangan nila sa PDAF niya thru this JLN Corp.

True or false ba ang mga allegations nitong whistleblower? True or not, dapat buong tapang na harapin ng mga identified lawmakers ang mga charges na ibinato sa kanila. They should come out in the open, to be transparent on how they spent their PDAF.

In my view, this P10-billion fund scam is like opening a Pandora’s Box na katatakutan not only by those na mismong directly involved sa issue na ito kundi by others who use their pork barrel. How did they spend their PDAF? Who benefited from them? What projects were made? Ilan lamang ito sa mga questions that need answers.

Siguradong mauungkat na naman ang issue on how our officials spend public funds.  With or without an expose, dapat lang naman na ipaalam sa taong bayan where they spend the taxpayers’ money na entrusted to them.

Ilang porsiyento kaya ang napunta sa mga sangkot na NGO kuno? Kay Napoles and her cohorts sa kanyang corporation? For the lawmakers? To the fixers? For the “blind, deaf and mute” government employees kaya laging nakalulusot ang mga transactions ng recipient group na pinagkatiwalaan ng napakalaking halagang ito? Nakakatulog pa rin kaya ang mga sangkot dito?

If only the funds were delivered sa mga talagang nangangailangan, marami sanang indigents ang nabigyan ng free medicines, sapat na pagkain, decent housing, cemented roads at iba pa.

Wala sanang pulitika dito and remove the perception na isang paninira lang ito. It’s about time na maging transparent ang mga lawmakers natin, at ipa-alam sa taong bayan ang katotohanan behind every centavo spent mula sa kaban ng bayan.

Ang dapat reaction dito ay ang katulad nang kay Senator Enrile na very open sa anumang investigation at siya pa mismo ang nag-invite sa COA.  Dahil kung talagang wala silang alam, simpleng denial lamang and show that they welcome any investigation.

For sure, makaramdam ng ngitngit at kabuwisitan ang ating kababayan kapag nabubulgar ang pagwawalanghiya sa pondo ng bayan. Sana hindi maging moro-moro na naman ang issue na ito, na palalamigin lang ng konti then after a few months ay maglalahong parang bula na.

Siguro papalakpak, not only with their hands kundi kasama pati mga paa, ng masang Pilipino kapag makita nilang nakukulong ang mga nangungurakot sa kaban ng bayan.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments