Deretsahan
The “S.O.P.” for a cause
By Bebot Villar
IT’S time to buckle down to work. Tama na ang pamamahinga. Ang magpakitang gilas na ang dapat na gawing work mode ng mga newly-elected officials nitong nakaraang May 13 elections.
Fantastic ang mga oathtaking ceremonies nyo. Napaka-heavy ang mga messages nyo at parang nakaka-bilib ang mga binitawan nyong salita. If one were to imagine the images behind every word you said in your inaugural speeches, parang gusto kong kurutin ang sarili ko para matauhan ako na true nga pala itong mga sinasabi nila. Sinabi nila, yes they really did, but ang question ay gagawin ba or can they do it?
I’m sure magkakaroon ng comparison sa mga dati at bagong officials, particularly sa pwesto ng mayor. Kung tamad yong dati, dapat noticeable ang difference ng pumalit sa kanya. If halos walang maiturong accomplishment yong dati, dapat itong bago ay siksik sa accomplishments at feel ng tao ang mga projects niya. But hindi lang dapat pasiklaban sa dami ng infra projects ang labanan. They have to make a big difference in good governance.
For example, kung greedy yong dati sa kanyang “S.O.P.” from projects, kailangan magpakita ng finesse itong bago, as in minimize ng konti ang katakawan. Remember, mahirap pag parating namamantikaan because malamang stroke ang aabutin nyo nyan.
I won’t say huwag silang tumanggap ng “S.O.P.” because that would simply be wishful thinking, sabi nga. Baka pag tuluyan na silang ma-deprive ng kita ay magkasakit pa sila. Siyempre, looking forward ang mga yan na makakapag ipon ng maraming pera para mag-iiba sigurado ang lifestyle nila. Tipong pang mayamang lifestyle na rin, from food to clothing, paglalakad at iba pa.
Sana lang huwag naman mag-focus sa pagkakakitaan. Baka naman pwedeng maki-usap, mga kaibigan? Pwede kayang mag set aside naman kayo ng konti sa kita nyo halimbawa sa jueteng (o jaiteng), for a worthy cause, like funds ng PNP station sa kanilang drug buy-bust operation?
Halimbawa, for every P100,000 na kita nyo every week from jueteng, baka naman maski P10,000 lang or more ay maibukod nyo for the war contra illegal drugs! Mas motivated ang ating mga law enforcers kung ganyan because hindi na sila kailangang bumunot ng kanilang sariling pera for their test buys of illegal drugs at actual buy-bust operations.
Or another suggestion para hindi na mababawasan ang isusuksok nyo sa bulsa nyo. Please share yong intelligence fund nyo, maski konti lang to your police force para sa kanilang campaign laban sa droga. Ito ay walang bawas sa tong-pats nyo. At least makakatulog pa kayo peacefully siguro maski papano. O, di ba? Masakit ba yun sa inyo?
To the Espino government, I strongly urge you to reactivate the Provincial Anti Drug Abuse Coordinating Council (PADACC)? Huwag puro infrastructure projects lang sana ang gawin!
Aanhin nyo ang building na maganda o mga cemented roads kung ang dibdib naman ng mga ka-probinsya ay puno ng kaba dahil sa nagkalat na mga taong under the influence of illegal drugs?
Dapat umpisahan na ng ating vice governor ang call to action by formally organizing the PADACC? Kailangan multi-sectoral ang approach dito para mas matatag ang laban sa droga.
The mayors should do the same and designate their respective vice mayors as chairmen of their Municipal Anti Drug Abuse Coordinating Council, and likewise sa mga barangay kapitan who should be at the frontline in the fight against illegal drugs.
We know walang “S.O.P.” sa laban sa droga. Perhaps this is one reason why malamya ang nakararaming officials natin na makialam dito. Except for a few, the rest are more concerned as mga transactions that involve huge sums of money.
But if our officials would not take the lead, who will? Kung hindi nila uumpisahan agad ngayon, kelan pa? Hihintayin pa ba nila na maging puro addict na ang mga kabataan natin? May peace of mind ba silang maglakad mag-isa o hayaan ang mga anak nila na nasa labas pa ng bahay kapag gabing- gabi na? Di ba, lagi kayong worried, even worse ay paranoid, na baka may mangyaring masama sa kanila o baka makursunadahan sila ng mga addict? Aminin nyo! Magpakatotoo kayo!
Maligaya ba kayo na maraming barangays sa Pangasinan ang identified na drug-affected?
Hindi ba’t yan ay isang malaking sampal sa ating lahat?
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments