Deretsahan

By June 24, 2013Archives, Opinion

Denial king si Kap Gonzales

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

THE continued denial ng Barangay Kapitan ng Binloc about being a drug hub is disappointing!  Mismong taong-bayan na, as in pati mga ka-barangay nya, have attested na rampant talaga ang bentahan ng shabu sa lugar na yan.

During the initial episode ng live show ko sa K17-The Kabaleyan Channel sa USATV noong June 15, maraming texters ang nagparating ng kanilang messages and concern sa problem ba ito.

No less than Jeoffrey Tacio, the regional director of the Philippine Drug Enforcement Agency in Region 1, who was among our guests at galing mismo sa kanyang bibig na very serious ang drug problem sa lugar na ‘yan.

Ang lame defense ni Kapitan Pedro Gonzales na “maybe true” but not under his administration, is not even true. Ang predecessor niya daw ang culprit. My questions to you Kap:

Question # 1: Kailan ba nahuli ang “shabu queen” na namayagpag sa barangay mo na walang takot magbenta ng illegal drugs diyan? Only last 2012 lang, di ba? Your term!

Q # 2: Saan ba sya nakatira at the time she was arrested? Hindi ba sa apartment na pinauupahan mo? Hindi ka ba nag-background check man lang sa umuupa sa bahay mo?

Q #3: Hindi ka man lang nakasagap ng maski kapirasong bulung-bulungan d’yan sa operations nila, maski sa mga kwentong barbero sa mga kanto-kanto riyan kung ano ginagawa niya? Imposible yata yan!

Q #4: Hindi ka man lang ba nag-ronda at nagtanong-tanong kapag may mga strangers sa lugar mo at kung anong klaseng pagkatao meron sila? Bakit hindi?

Mukhang pag panahon lang ng eleksyon ka matiyaga umiikot pero pag tapos na, wala na! Ang sama naman! Either mahina ang intel gathering mo Kap or ayaw mo lang um-action.

But, Kap, let me reiterate that I am not saying you are a drug lord, ha.  Kasi balita ko, nag iinarte ka daw na not one in your family ang involved sa drugs samantalang wala namang nagsasabing sangkot kayo dyan. Ang tanong ko ay bakit napabayaan na lumala ang drug problem dyan! May padrino sila! Sino?

Sa mga taga PDEA at Philippine National Police na mga strike force, nagtataka din ako sa inyo, why can’t you totally eliminate ang mga pushers na nag o-operate sa lugar na yan? Anong meron bakit ganito ang nangyari? Why not try na magbabad kaya kayo ng isang buwan in that place para mabulabog na parang mga bangaw yang mga pushers na yan? Hindi ba pwede?

*          *          *          *

Sa listahan ng PDEA Region 1, there are 102 drug-affected barangays in Pangasinan, yet the overall drug situation is still “manageable and containable”, according to Director Tacio. 

But he said the number is not surprising because Pangasinan is the biggest in terms of population and land area. 

Tacio confirmed reports that Barangay Bonuan Binloc, Dagupan City is the lone barangay in Pangasinan placed under Category 1 or seriously affected.  In fact, Tacio pointed out na when he was still assigned in Baguio City, those arrested tagged Bonuan Binloc as their source ng shabu. 

Hindi luma na parang ukay-ukay yong report na Binloc is the source of shabu or illegal drugs in Dagupan. Tacio said every quarter, PDEA conducts validation with other law enforcement agencies, coupled with statements of arrested persons who point to Binloc as their source which serves as the basis of their classification. “Whenever we have arrests, we ask their source and that is what we gathered,” he said.  So. diyan nga talaga!

*          *          *          *

While naka-focus tayo sa illegal drugs, itong issue sa jueteng at jai-teng (na pinaghalong jai-alai at jueteng) o ano ka mang klase ng teng-teng na yan ay napaka-smooth sailing naman ang operations sa Pangasinan.

And why not? Samantalang tahimik ang lahat, bawal ang kontrabida sa operations nila! May narinig ba kayong mayor, vice mayor, konsehal, board member, congressman, o iba pang elected official na umangal sa illegal gambling na yan? Wala!

Walang maglakas-loob. Ganito ba ang mga elected officials ng Pangasinan? Siguro, everybody is “happy” kaya tahimik na lang sila. Ang dahilan nila, kasi daw may TRO (temporary restraining order) kaya ok lang daw na mag operate ang jai-teng na kunwaring jai-alai.

Granting for the sake of argument na meron nga but as the word “temporary” suggests, it means pansamantala lang. Pero itong TRO na ito taon na ang binibilang! At ang pagkaalam ko sa Cagayan lang ang coverage. Ano bang TRO ‘yan? Anong klaseng judicial system ba meron tayo sa Pilipinas? Dapat malaman na ni PNoy na marami ang lumalakad ng paliko-liko lalo na sa ating judiciary at governance.

Hindi ba’t maliwanag na lokohan lang ito? In one of my talks with former Senate President Juan Ponce Enrile, sabi nya jueteng yan, hindi jai-alai. Pag mayaman ang involved, matagal ang epekto ng TRO? Pano kung mahirap, walang patawad?

Kahit siguro sinong abogado ang tanungin nyo mali ang ginagawang ‘yan. Nakalilito na, your honors.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments