Deretsahan

By May 13, 2013Archives, Opinion

Pre-and-post election day anxieties

Bebot Villar

By Bebot Villar

 

ILANG tulog na lang, election na. I’m sure candidates are experiencing a lot of anxiety right now while the clock is ticking onward to the judgment day.

Siguradong perspiring na ng parang mga butil ng mais sa laki ang mga candidates, hindi mapakali, parang asong paikot-ikot thinking about a hundred and one things kung papaanong sa huli ay maproklama silang winners.

I am sure for many, parang bombang malapit nang sasabog ang dibdib lalo pag hotly contested at close fight ang laban. Ang hirap matulog o maski magpahinga ng konti man lang lalo pag alam mong ang kalaban ay veteran cheater who can and will do all mapasakanya lamang ang elective post.

May iba dyan malamang constipated na dahil sa stress habang ang iba naman ay nakakaranas na ng LBM. May iba diyan nasisira na ang ulo lalo kasi nababawasan ng supporters dahil mas maganda ang offer ng kalaban while others naman ay mainit ang ulo lalo pag kapos na ang budget kayat limitado na ang mabibiling boto sa dalawang araw.

Of course, there will also be others naman na ang sarap-sarap na ng ngiti dahil naaaninag na ang siguradong victory at the polls while ang iba naman ay desperate na kasi malapit nang mag zero ang balance ang kanilang mga passbooks.

I’m sure na habang binabasa nyo ang column na ito (today) Sunday or Monday, diyan sa araw na mga yan uso ang mga pigar-pigar, mga botante at supporters na bumabaliktad sa last minute dahil sa magkanong dahilan.

At warning naman sa mga suppliers: Mag-ingat sa mga post-dated checks na ibinayad sa inyo ng candidate baka parang bolang tumatalbog yan due to insufficiency of funds or closed account na.

*          *          *          *

After all is said and done, after a hotly contested election, umupo dapat ang mga winners at losers in one corner at tanungin nyo ang inyong sarili: Was it worth it?

Magkano na ba ngayon ang halaga ng inyong pwesto? Peso value ang ibig kong sabihin. We cannot deny the fact that vote-buying was the name of the game…ang maubusan, talo!

Ang question: Magkano na ba ngayon ang dapat na ihandang campaign fund para maging senator, congressman, governor, vice governor, board member, mayor, vice mayor, o konsehal? Let me say it for them: Mahal, as in super mahal! 

Huwag nang magpaka-ipokrito ang ilan dyan dahil deretsahan kong sasabihin na rampant, as in talamak, na ang vote-buying and selling. Tatamaan ng kidlat ang sinungaling! Walang bibili ng boto kung walang magbebenta, and vice-versa.

It has become worse ngayong 2013 elections. Ang kantiyaw nga ng maraming voters ay kung wala ka daw pera, sleep ka na lang at huwag nang mag abala pa na sumawsaw sa politics. But If your community is not blinded by gold, maswerte ka. Mukhang endangered species na ang mga botante sa lugar na yan.

Magkano ba ang boto ng isang kandidato?  Kalahating kilo ng bigas na may dalawang lata ng sardinas at dalawang pakete ng instant noodles? Dalawang bote ng patis at bagoong? Isang tabo? Isang pitchel? Isang timba? P300 to P500 or P1,000?

Paano na lang kaya yung mga qualified with integrity na tao pero mahirap lang ang buhay? May pag-asa pa kaya silang manalo sa election? At the rate things are going in our political system, wala na, hopeless na sila. Hindi sila makakalaban nang pantay sa mga ritzy rich o naging corrupt.

*          *          *          *

If this is the way, it’s going to be from hereon, saan na pupunta ang bayan o probinsya natin?

Makaka-asa pa ba tayo nang tunay na dedicated public service from the winners who spent millions to win? Happy ang mga poor family ng dalawa o tatlong araw na naituwid ang gutom ng pamilya sa biyaya ng candidate, pero after that, balik normal uli ang ikot ng buhay. The next question is: Saan sila patutungo mula rito? Makaka-angal pa ba sila if the newly elected official does not deliver on his campaign promises dahil binayaran naman na sila? May karapatan pa ba silang mag-complain kung nagging corrupt ang naihalal na governor, congressman at mayor sa lugar nila?

We deserve the kind of government that we have. Pasensyahan na lang kung ang manalo ay yong violent, corrupt, tamad, abusive, walang prinsipyo, no integrity at walang kapabilidad.

Ginusto natin yan, magtiis tayo!

*          *          *          *

After the proclamation of winners, expect situation to continue to be worrisome. Matindi pa rin ang kantiyawan na minsan ay humahantong pa sa patayan. Knock on wood, huwag naman sanang mangyari ito. Dapat, our candidates should be magnanimous in victory and gracious in defeat!

Sa lahat ng kandidato, mula governor down to councilor, anumang partido ang kinaaniban, good luck! May the best candidate win!

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments