Deretsahan
Vote-buying
By Bebot Villar
MARAMI na raw nag wi-withdraw ng pera sa mga banks. Of course, expected ito from the candidates or their financiers, pwedeng jueteng lord or drug lord or a businessman na may vested interests.
They need a lot of cash para mas maraming votes ang mabili, para mas malaki ang advantage sa kalaban, para ma-intimidate ang kalaban, para happy ang mga botante.
Magkano na nga ba prevailing selling price ngayon bawat boto? P300? P500? P1,000 bawat isa? Hindi na cheap! Multiply that amount by the number of registered voters, syempre ang projection ay about 80 percent ang pwedeng bigyan ng pera. And kapag close fight, mas makapal ang envelope, mas maraming give-aways.
Ito ang nakakawala ng gana ngayon sa politics. Cash at give-aways na lang ang lumalabas na basis ng mga voters kung sino ang iboboto nila. Kung sino ang mas malaki ang bigay sa last minute sa araw ng election, ‘yun ang natatandaan nila.
Because of this, wala nang motivation tuloy ang isang elected official na gumawa ng mga projects. After all, vote-selling ang mentality ng mga maraming voters. Kaya pa-bandying-bandying lang ang marami sa mga elected officials kasi in their minds pera lang naman ang katapat ng mga botante. Tulad ng isang kilala kong mayor na sinagawan ang isang grupo ng botante who went to him para mag-complain at tulungan sila dahil ibinoto sya. Ang sagot ni mayor: “Binayaran ko naman kayo, ano pa problema nyo?”
Kaya walang asenso sa ating mga communities, si mayor lang, o sino mang elected official d’yan, ang umangat sa buhay. Yong dating iisa ang sasakyan at bulok pa, naging high-end na ang service vehicle after ng ilang buwan lang sa panunungkulan. Hindi lang iisa yan ha! Meron pang iba na hindi na magkasya ang dating empty space sa bahay n’ya na converted into parking lot sa dami na ng nabili n’yang magagarang SUVs. Anak ng jueteng talaga! Mga magagaling gumawa ng pera!
Meron ding iba who claim na marami raw ginawa para sa bayan, marami raw naipatayong buildings, roads. Pero teka lang, paki-check nga who were their contractors at kung gaano kabilis umasenso sa buhay itong mga dramatistang politician na ito?
Shameless kung maka-arte ‘yong ilan sa kanila samantalang mismong in their Statement of Asset, Liabilities and Networth ay hindi nila masabi how much na ang nakamal nilang pera ng bayan. Pano kasi, noong mag-umpisa, na-declare nilang kakonti ang pera at assets nila. After getting elected, biglang lumobo ang yaman. How do you explain nga naman iyan!
* * * *
Ang kagandahan sa election, maraming trabaho at kita para sa masang Pilipino. Andyan ang mga taga gawa ng t-shirts sa printing press, mga dikit boys for the posters, mga jeep na umiikot, mga taga bigay ng giveaways kung anu-ano pa. Nandiyan ang mga kusinero, tagalinis, bodyguards, entertainers, pati media na my sideline bigla. Happy rin ang mga sari-sari store owners dahil siguradong malakas ang benta nila today dahil may pambili ang mga kapitbahay nilang naambonan ng biyaya. Ok ‘yan para sa local economy. It has a big domino effect sa mga negosyo.
But after nating maisaing at makain ang biyaya, ano na? Pabibilog ba natin uli ang ulo natin sa mga empty promises ng mga kumag na candidates?
Shall we allow ourselves again to be used and abused? Every election lang natin pwedeng ipakita ang kapangyarihan ng nag-iisang boto natin. Palalampasin ba natin ang pagkakataong ito?
* * * *
Ang kagandahan sa kampanya para election, biglang bumabait ang mga politicians at ang mga tauhan nila.
Pagdating n’yo pa lang sa gate ng bahay nila, smiling pa tayong sasalubungin, to be seated, pami-miryendahin at pababaunan pa tayo. Pero, ito rin ang panahon na nagiging violent ang mga supporters nila. Pwede silang pumatay ng mga sagabal sa daan ng bosing nila.
After the election, ang hiniram na good manners ay balik na sa normal. Ang mala-anghel na mga ngiti ng mga candidates ay biglang napapalitan ng mukha ng demonyo.
Lalabas na ang tunay na kulay, tunay na pag-uugali. Yan ang totoo!
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments