Deretsahan
Unopposed na!
By Bebot Villar
AS we rushed this piece to meet PUNCH’s deadline, may positive development sa Villasis.
I’m sure, tuwang-tuwa ang mag-asawang ex-Mayor Nato at re-electionist Dita Abrenica dahil ang kalaban ni misis na si Butch Sison reportedly withdrew his certificate of candidacy. This makes Mayor Dita virtually unopposed. May isa pa kasing kalaban pero perennial loser for 3 elections so the mayoralty fight becomes a walk in the park kay Mayor Dita.
After a series of consultations with leaders who really matter and after weighing things carefully, Butch made a supreme sacrifice for his personal ambition to take a backseat in the meantime and let the greater good of his town prevail first.
Hindi siya makasarili. Marunong siyang makinig and be part of a team to push Villasis to greater heights.
Hanga ako sa ginawa n’ya dahil hindi madaling gawin ‘yun considering that he has strong chances of winning unlike some candidates in other areas na nakuha lang sa sulsol at self-interest and gratifications ng ilang leader kaya pinalabanan si congressman or mayor.
Kaya munting payo sa mag-asawang Abrenica, mas pag-igihin n’yo ang pagsisilbi n’yo riyan at mas lalo n’yong dapat patunayan na karapat-dapat lamang kayong unopposed.
* * * *
Muling nabunyag ang usapin tungkol sa narco-politics dahil gusto ng ilang lawmakers natin that Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Art Cacdac to name names.
Syempre hindi basta-basta ‘yong pag-banggit ng pangalan who are behind illegal drug operations, especially mga politicians.
May mga sensitive issues na mas mabuting huwag na munang ilabas in the meantime para hindi ma pre-empt ang operations kaya mas mabuting gawan na muna ng proper police actions at anti-narcotic operations.
But I’m quite sure na ilan sa mga ‘yan ay mga na-aresto na at nakasuhan na. ‘Yong iba, maghintay na lamang kayo ng takdang oras n’yo.
Nagiging mainit na topic uli ang tungkol sa mga narco-politicians dahil election time na.
Kung may mga kandidatong supported by jueteng money, meron ding iba whose campaign is bankrolled by drug money. Time to spread the sunshine sa tao para mga tulad nilang kandidato through massive vote-buying. Easy money kaya madaling gastusin.
Bagama’t pareho silang hindi dapat manaig at hayaang mag-hari sa ating paligid, mas nakakatakot itong pangalawang uri kapag hinayaan dahil maraming buhay ang mawawasak.
And it is more unimaginable kung bakit ilan sa kanila ay untouchable pa rin hanggang ngayon.
I’m sure may mga ideas tayo kung sino sa mga pulitiko natin ang posibleng kasabwat nila or protector ng mga drug syndicates or sila mismo ang directly involved sa illegal drugs operations.
But if despite that ay iboboto n’yo pa rin sila, aba’y katangahan at ka-gaguhan na talaga ‘yan.
I’m sure pa-palakpak ang taong-bayan kapag nagawan ng paraan nama-neutralize ng mga operatives natin ang mga illegal operations na ‘yan ng mga suspected narco-politicians. I-neutralize na pahintuin, arestohin at kasohan or i-neutralize na forever mananahimik, whatever way, sana hindi na tayo mainip sa action na ‘yan.
Minsan kasi, wait-and-see mode ang mga law enforcement agencies dahil kasabwat pala si mister mayor, congressman, governor or whoever na influential at dahil na rin sa sila’y natatapalan ng drug money.
Ito ngayon ang malaking challenge sa PDEA.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments