Deretsahan

By November 12, 2012Archives, Opinion

Will it be Cong. Rachel or Baby A?

By Bebot Villar

MALAKAS ang mga ugung-ugong na nakarating sa akin about possible substitution of candidates sa darating na election.

No, hindi ito sa Dagupan o sa fourth congressional district although possible rin ‘yan dahil obvious hindi ready at napasubo lamang ang isang aspirant d’yan dahil sa sulsol ng isang lider. Pinulot lang kung saan-saan tapos sinamahan ng kapwa Intsik sa Comelec para mag file ng candidacy pero halatang wala namang ka plano-planong magsilbi itong mamang ito sa bayan. Ito ‘yong may negosyo ng fastfood na after serving mga customers n’ya sa kanyang outlet sa Dagupan biglang  nag file para mag congressman? Ano bang palabas ‘yan? Pinaglalaruan lang ba ang pag-file ng candidacy?

Anyway, balik tayo sa usapang matino. What place and position are we talking about? Mayor, congressman, provincial position?

It’s not for the vice gubernatorial post dahil sinabi ni retired PNP Chief Art Lomibao na walang atrasan! Imposible ding si come-backing Mayor Sammy Rosario ng Binmaley because,  according to him, before he decided to go back sa political ring for a second round fight, all set na siya, ready like a battle-scarred soldier to go to war, to prove na he is worthier than his opponent.

Ang nasagap kong interesting news ay tungkol sa daughter and mother sa Central Pangasinan: sina Cong. Rachel at ang kanyang celebrity mother, Baby Arenas.

Pero, pwede ba ‘yun eh unopposed na si Rachel sa kanyang re-election bid?

When I asked an official of Comelec sa Pangasinan kung pwedeng mag substitute sa isang unopposed candidate?” Ang sagot n’ya ay “Yes, basta may partido.” It means, pwedeng mag-substitute si Baby kay Cong. Rachel!

Kung sakaling mangyari yun, malamang malaking panghihinayang ng mga would-have-been political rivals ni Rachel at mga ilang ngitngit na ngitngit sa mother-daughter team – “Kung alam ko lang na si Nanay pala ang patatakbuhin, eh di sana nag-file na rin ako!”

Pero teka lang, true ba ito Cong. Rachel? Ang dami na kasing nagtatanong sa akin.

The answer I got from our DPA na mismo kay Cong galing ay, “ Marami na ngang nagtatanong but it hasn’t crossed our mind. But if that happens, sino ba una makaka-alam kung di ikaw”.

Hmmmm, intriguing. What if mapag-usapan nga nila? What if gusto rin pala ni Baby A na mag congresswoman gaya ng anak nya? Di ba she was once a congressional candidate in Makati? Eh kung pwede naman pala, according to Comelec, why not?

Many things can still happen between now and until Dec. 21 na deadline para sa substitution kaya abangan!

* * * *

Siguradong babaha na naman ng pera sa darating na eleksyon.

Siguradong super active ang mga bank accounts ng mga candidates to cover their campaign expenses na nakakalulang isipin ang amount, because kasama na diyan siyempre ang vote-buying.

Siguradong maraming properties na naman ang isasangla as insurance for the “last-minute “vote-buying tuwing election. Ito kasi ang hirap sa naging criteria ng mga botante: Ang maubusan (ng pera), talo! Maling-mali. Dapat take the money then vote for the right candidate para magtanda ang mga bwisit na candidate na walang alam kundi mamili ng boto at nagiging NPA (Non-Performing Asset) lang sila pagkatapos manalo.

Sa totoo lang, kaya malakas ang loob gumastos ‘yang mga ganyang klase, because alam nilang pag nanalo sila ay hindi lang 100 times babalik ang investment nila kundi ten-fold or more pa!

Kaya kayong mga botante, huwag kayo na magpa-uto! Ginagago lang nila kayo, hindi nyo pa ba alam ‘yun?

Back to Homepage