Deretsahan
Politics from the grapevine
By Bebot Villar
KUMUSTA na kaya `yong mga kaibigan nating Biskeg na Pangasinan candidates sa 2013 elections?
Bagamat quiet muna ako sa politics natin since I went on sa Biskeg affairs para tutukan ang work ko as chairman ng Dangerous Drugs Board, nakikibalita pa rin ako what’s the latest in Pangasinan. In fact, marami sa mga friends natin ang nakiki-appointment na sa akin pero, time out muna, mga pare ko!
Pero sa aking pagtatanong sa aking mga trusted sources, may nakakatawa, may nakakatuwa, may nakakaawang balita at meron ding nakaka-high blood.
Kagaya ni Leo de Vera, dating mayor ng Bayambang na running for board member ng third district ng Pangasinan. Sana huwag na siyang magpa-uto uli sa mga mala-Yamashita treasure saga. Nakakaloko na kapag mga diamonds na ang mahuhukay na di-umano ang magpapayaman daw sa kaniya. Kaya tuloy, pati rebulto ng ating national hero, muntik na niyang makausap noon dahil sa mga pinagdaanan niya. Buti na lang hindi hiniwalayan ng katinuan. Now, he is back in the political ring and I hope his strong clout remains.
Mahal ko `yang si Pareng Leo. Isa yan sa mga haligi ng Biskeg.
Si Pareng Lito Zaplan naman na re-electionist mayor ng Sta. Barbara, balita ko may isang desperadong talunang pulitiko na dakdak ng dakdak sa isang cable television at isinama pa ang isyu ng “babae” diumano laban sa kanya.
Bakla ba `yang daldalerong gumawa sa `yo n`yan, pare? Ganyan ba ang natutunan n`ya sa academy? Dapat magpaka-lalaki siya.
Pag maraming nagmamahal sa iyo at minamahal mo, mas lalong mas maraming boboto sa `yo, di ba?
But seriously speaking, hindi na po isyu ngayon `yang tungkol sa “babae.” Ibahin mo kaya, sir, ang style mo, kasi bulok na `yan eh. Baka sakali manalo ka this time!
Pareng Lito, welcome back sa Biskeg and I hope, di mo na kami iiwang muli kasi ako, never akong nang-iwan ng totoong kasama! Alam ng lahat `yan, through thick and thin, ipaglalaban ko basta alam kong totoo sa akin.
Sa Villasis naman, mukhang kabado itong kaibigan nating si ex-Mayor Nato Abrenica sa kalaban ng misis nyang si Dita.
Paano kasi, parang anino na ni Nato itong si Butch Sison kaya’t marami itong alam sa kanya. Most trusted ally niya iyan sa munisipyo kaya his highs and lows ay alam na alam nito at malamang pati mga skeletons in the closet ni Nato.
Kaso biglang nagbago ang ihip ng hangin kaya hayan tuloy, biglang si Butch is challenging the re-election bid of Mayor Dita.
Malamang na alam na alam ni Butch kung sinu-sino ang gagapangin niya to win votes at kung paano niya idi-discredit ang kalaban.
Kaya lang, para sa `yo Nato, relax ka lang dahil pag alam mong you did nothing wrong, be confident, you will win this war. Ang taong nasusugatan, lalong tumatapang, di ba Nato?
Swerte ni Art Chan na re-electionist mayor in Pozorrubio, Pangasinan kasi hindi na lumaban si Ernest Go. Umaatikabong bakbakan sana uli roon pero buti naman at nakapag-isip nang tama si Ernest. Kaya, boom na boom ang bayang ito for the next three years.
Kaya lang, Art, mukhang hinakot na raw ng isang mayoralty candidate sa Dagupan ang ilang daang botante mo raw, ayon sa report, para maging flying voters? Ang tiyaga nilang magbyahe from Pozorrubio to Dagupan, ha! At ang tiyaga nilang pumila kasi nga naman alagang-alaga sila—may libreng sakay, pagkain at sukli pa silang pang-malling.
Nahalata raw sila na hindi mga taga-Dagupan kasi mismong kapitan daw nila hindi nila alam or kung nasaan ang post office ng Dagupan, at ito pa, hindi raw alam ang spelling ng Dagupan! Ay agi, tangay-tangay ira, sabi ng mga media. Baka na black magic kaya?
Abrakadabra sisbomba!!! Sa halagang tama, boto nila, nabili na ng iba!!
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments