Deretsahan

By October 29, 2012Archives, Opinion

Have voters changed?

By Bebot Villar

KAILAN kaya magiging high level ang discussion ng mga issues sa campaign trail ng mga candidates for next year’s elections? At sana nga issues lang, walang personalan.

These days, kung sino ang mas magaling magsalita, mas maraming pera, mas mahusay manakot, panalo!

Ang problema, hindi na natuto ang mga botante. They are even more gullible and even more demanding sa paghingi ng pera sa mga candidates. Kung dati ay okay na ang P100 worth of grocery items, ngayon ay may grocery na, may pera pa. At kung sino ang makakapag-bigay ng mas makapal na laman ng envelope, siya na! Pati nga sarili mong kamag-anak o inaanak sa binyag o kasal, wala ring patawad. Kailangan bayaran din.

Parati natin sinasabi na kailangan ng pagbabago pero have voters changed?

Oo naman. They have changed, a lot. Mas malaki at mas marimi na ang hinihingi. Because of this, mas malaking halaga ang kailangan ng cadidate para sa kanyang campaign.  At kailangan, mag-reserve siya ng mas malaking halaga para sa “last minute distribution” on the eve of election day

No wonder, kung dati ay tunay na service at namumulubi pa ang isang dedicated na elected official dahil pera na lang ng pamilya ay ibinibigay pa sa tao, today puro pag bawi sa gastos at corruption ang inaatupag.

* * * *

I know one mayor na dati ay kakarag- karag ang sasakyan during the campaign at baon sa utang, ngunit dahil naswertehan ay nahalal.

Sa his first term lang, biglang dumami na ang bilang ng sasakyan at ng bahay. Biglang may iba’t-ibang negosyo siya. Ang sarap talaga ng maging mayor.

No wonder, even if they say iba na ang politics ngayon kumpara noon at maski sabihing grabeng gastusan na ngayon, many still go into politics. Well, baka suwertehin din nga naman.

* * * *

Kaso lang, ang karamihan sa atin ay madaling maloko. Puro barya lang ang napupunta sa kanila compared sa kinukurakot ng mga elected officials.

After the elections, ilan sa mga ibinoto nila ang pareho pa rin ang ugali at pag trato sa kanila? Di ba after ng oath-taking, sarado na ang bahay ni Mr. Politician at halos ayaw magpapasok at makiusap?

Pag dating naman ng next election, approachable na naman si Mr. Politician at panay ang beso-beso at yakap sa inyo!

‘Yan ang Pinoy politics!

* * * *

Nakakabwisit din ang nakikita ko sa mga baptism at wedding. Sandamakmak ang pares ng ninong at ninang na kinukuha.

Hindi ba three pairs lang ang pwedeng ilagay sa marriage contract? Sa baptism, limitado rin, right? Sa dami nawawala na ang meaning ng pagkuha ng mga ninang at ninong dahil sila dapat ang second parents ng mga bibinyagan o ikakasal. Pero paano na lang kung mahigit 30 na pares ang mga sponsors?

Ano yan? Fund raising campaign? Kaya most often, I’d rather not show up where there are more than 3 pairs of ninong at ninang dahil nakakawalang gana.

Sana yong mga magulang, imulat sa tamang gawain ang mga anak. Nakakahiyang ganito ang ipamamana n’yo!

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments