Deretsahan

By September 3, 2012Archives, Opinion

Drug haven: Bonuan Binloc

By Bebot Villar

MAY duda pa rin ba ang mga kapulisan ng Dagupan na talagang rampant ang illegal drugs sa Bonuan Binloc?

Matagal na nilang na-confirm na drug haven ng Dagupan and barangay na yan kaya dapat isentro ang operation diyan hanggang totally ay ma-wipe-out na ang problemang ito.

Pati ang shelter project ng Red Cross na binigay sa mga kawawang typhoon victims a few years ago ay ginawang center ng shabu session area na rin. Wala nang pinipiling lugar itong mga walanghiyang na nahuli.

Base sa report that I received, this time five persons were caught holding a session sa isa sa mga units ng the shelter assistance project sa Sitio Korea, Bonuan Binloc, Dagupan City at 12:00 midnight of August 27.

According to the report, ang mga naaresto ay mga ordinaryong farmers, construction worker at may jobless pa. Isipin niyo, kung wala silang steady income o maliit lang ang kita nila, saan sila kumukuha ng pang maintain ng kanilang bisyo sa droga?

Magnakaw? Maging pusher? Malamang yun lang ang pwedeng gawin nila dahil can’t afford sila sa daily subsistence nila.

Nakakapagtaka naman na every now and then ay panay Bonuan Binloc na lamang ang lugar na kung saan ay hindi matapos-tapos itong problema ng drugs. Nasaan ang mga barangay officials?

Sadya nga bang manhid na ang mga barangay officials ng Bonuan Binloc na pinangungunahan ni Chairman Pedro Gonzales? Mukhang drama lang yong kanilang pinakitang pakikiisa daw sa campaign to rid their barangay of illegal drugs?

Masyado bang malaki yang Bonuan Binloc na yan para hindi alam ng mga officials na business as usual araw-araw ang illegal drugs sa lugar nila? Nag tatanga-tangahan lamang ba sila sa katotohanan o hindi sila kinakatakutan? O sadyang ginagawa nilang tanga si Mayor Benjie Lim at ang Dagupan police?

At yung owner naman ng bahay na kinaawaan na nga ng Red Cross, ay nakuha pang gamitin ang bahay para sa mga drug addicts. Siguradong inis at galit ang donor group ng nagbigay ng pabahay na yan dahil sa kawalang respeto sa kanilang magandang proyekto.

Hindi na ba nahiya ang mga barangay officials sa mga nangyayaring ito?

Ako ay talaga namang nahihiya bilang isang taga-Pangasinan dahil isa nang drug haven ang aking mahal na probinsiya.  I am appealing to our local officials to please do your share in making our province drug-free.

Kailangan mas dobleng pagtutok ang gawin ng mga kapulisan at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa barangay na yan. Ang worry ko lang, baka sa pag alis ni Supt. Bong Caramat as police chief ng Dagupan ay mag fiesta ang mga drug peddlers at users sa lugar na yan.

Sana, kung sino man ang susunod sa pwesto ni Bong, sana pantayan o higitan pa nya ang magandang performance niya sa illegal drugs.

* * * *

We have a new regional director ng PDEA sa Region 1.

Ni-replace ni Col. Roybel Sanchez si Director Edgar Apalla. Maigsi lang ang panahon ng panunungkulan ni Director Apalla sa PDEA Region 1 at sa honest assessment ko ay wala siyang impressive accomplishment.

Halos wala akong mabasang major accomplishment report. Kung meron man, mga small time lang. Kumbaga sa pagkain, matabang. Kung sa pelikula, kulang sa action at excitement.

Malaki ang responsibilidad ng PDEA to stop illegal drugs. Sila yong nasa frontline sa laban na ito. Kung hindi aggressive ang campaign nila, may ibig sabihin nyan. Masama.

Kaya it’s important na ang leader sa laban sa droga ay isang matapang, may paninindigan, na hindi natatapalan ng pera, may prinsipyo at may malasakit sa taong-bayan.  

At kung um-action, dapat consistent at hindi ningas cogon.

But since kulang talaga ang PDEA sa manpower at funds, kailangan nila ang tulong ng PNP, military personnel, barangay captains at mayors.

And since there is no death penalty, sana kunin na ni Lord ang mga drug pushers na yan. 

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments