Deretsahan
Extra-marital affairs ni Mamang Pulis
By Bebot Villar
I REDEIVED a report from Atty. Monday Samson, ang National Police Commission provincial director sa Pangasinan, saying na about 25 Pangasinan policemen are facing administrative charges noong second quarter this year, mostly for their alleged infidelity at hindi pagbigay ng financial support to their legal wives and children.
Out of these 25 cases, 15 na ang sinasabing na “disposed,” meaning investigations and hearings had been conducted and are simply awaiting final approval ng Commission central office. Sa first quarter this year, 18 cases na ang na disposed.
Pero ‘yong pag-dami ng kaso is a welcome development daw because it shows ang nga aggrieved parties are now aware of their rights and it shows their trust in the Napolcom that it would act on their grievances.
I agree. Kasi pag alam nilang wala namang kahihitnan ang mga idinudulog nilang complaints, many won’t waste their time filing their complaints. Of the 25 accused, ang highest ranked policeman was a senior police officer 4 but isang police superintendent ay nakasohan din administratively prior, according to Samson.
Pero alam n’yo ba na mas marami raw ang mga nakakasohan this year pero lighter ang kanilang offenses? Last year, there were lesser number of cases filed but the allegations were more serious, sabi ni Samson.
Sa tingin ko, mas nakakabahala pag mas malala ang mga kaso nila, di ba? Ang mga kasong hinaharap ng mga pulis range from grave misconduct, dishonesty, serious irregularity in the performance of their duty at conduct unbecoming pero majority ay family-related kagaya ng hindi pagbigay ng financial support sa pamilya at cohabiting with a paramour.
The complainants sa family-related cases ay mga legal wives. Ibig sabihin n’yan, matatapang ang mga misis nila at alam nila ang karapatan nila.
Kapag napatunayan silang guilty, tatlo ang pwede nilang sasapitin: suspension, demotion or dismissal from service.
* * * *
Ang problema dyan, nakakatakot isipin kung papaano bubuhayin ni Mamang Pulis ang sarili nya at ang kanyang pamilya at extended family kung wala syang matatanggap na salary at ilan pang benefits gawa ng kanyang pagkaka-suspend or dismissed.
Nakakatakot isipin na maaring matukso (again) si Mamang Pulis na gumawa ng iba pang illegal na gawain para makapag-remedyo ng pera for their daily needs. Isa na rito ang pagbenta ng droga. Mas nakakaka-alarma ‘yan kung sakali and yet alam natin na in reality ay nangyayari na yan.
There have been many reports na may mga Mamang Pulis na mga drug coddlers kaya’t no wonder kung bakit namamayagpag ang illegal drug trade sa isang lugar. Hindi naman siguro mga engot ang taong bayan upang hindi matintindihan na ang drug trade will only flourish or prosper kung may protectors, at ilan sa kanila ay mga law enforcers at barangay officials.
May kasabihan nga na ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit. Kaya it’s not surprising na ma-involve sila dito. Kaya dapat bantayan ang kilos ng mga kapulisan, especially yong may mga extra marital affairs, dahil sila yong mga may “mahigpit na pangangailangan”!
* * * *
Naiinip ako sa mga inaasahan kong big-time drug arrests ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Region 1 under the leadership of Director Edgar Apalla . Mukhang palyado ata ang inyong accomplishment ha, Director?
Sa Pangasinan, mukhang sa Dagupan City lamang ang maingay sa kanilang anti-drug abuse campaign at sunud-sunod ang kanilang arrests and confiscation of the illegal substance. Bakit sa ibang lugar, ang tahimik?
Ang laki ng Region 1. Dapat sana non-stop ang mga operations at arrests if we consider the gravity of the drug problem sa lugar na ito. Napakapait namang isipin na mukhang malamya ang PDEA accomplishment dito.
Hinahamon ko kayo, Director Apalla, na magpakitang gilas naman kayo.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments