Deretsahan
Still no “big fish” arrested
By Bebot Villar
YOU can hide ng ilang taon o maski dekada pa, darating ang araw mahuhulog ka rin sa kamay ng batas.
This was the case ng isang matagal nang wanted person na nahuli ng Sto. Tomas police last July 14. And I wish to congratulate ang aming police chief, si Senior Inspector Allan Emerson Dauz, dahil naging matatag sya sa matinding pressure at tukso in exchange for the release of Paul de Guzman na taga 155 Nalsian Norte, Bayambang.
Itong si Paul, 60, attempted to bribe ng malaking halaga si hepe, nang mahuli sa Barangay San Antonio for his many pending cases. Isa na rito ay illegal drugs. Marami itong ginagamit na alias at nasintensyahan na ito ng six years prison term pero nabigyan siya ng probation. Pina-revoke ang probation ni Paul dahil sa maraming violations na nai-report ng kanyang parole officer sa San Carlos City.
Sa court order dated Feb. 14, 2006 ni Judge Hermogenes Fernandez, binanggit ang hindi pag-report regularly sa kanyang probation officer, conviction of another offense while on probation for illegal possession of firearm, his being charged for violation of RA 6425, at violation ng RA 9165 and RA 8294.
Nagtago na siya nagmula nuon. Malamang malakas siya kung kanino at malakas din itong mag-bribe sa mga pwede ny’ang tapalan ng pera kaya free as a bird ito nang matagal. Nakapag-byahe pa nga sa ibang bansa.
Kaya bilib ako sa dedication ng aming kapulisan sa kanilang sinumpaang tungkulin. Ilan pa kaya ang kagaya ni Sr. Insp. Dauz sa PNP? Mabuti naman at may mga natitira pang kagaya ni hepe upang linisin ang negative image ng PNP dahil sa mga pa-ngongotong, harassment at marami pang katiwalian na nababalitaan nating pakana ng ilang police officials mismo.
Kung ibang hepe lang yan, malamang sinunggaban na agad ang bribe offer na di-umano ay nagkaka-halaga ng P.5 million.
* * * *
Kaya tuloy hindi mapuksa ang illegal drug problem ay dahil na rin sa pagbubulag-bulagan at pag bibingi-bingihan ng ibang personnel ng PNP at ilan pang law enforcement agencies.
At mismong sa Pangasinan, talamak na ang droga dahil sa hanay ng local PNP at mga leaders ng LGUs, ay sa iba nakatutok ang attention nila. Nandiyan na ang kita sa jueteng. Malaking prosyento sa projects. At kung hindi porsyento ay ghost project na mismo. Mag e-election na kasi kaya kailangang mag-ipon ng pera, maski saan man ito galing, para may pambili ng boto. Ang sama!
Speaking of playing blind, deaf and mute pag pera na ang pinag-uusapan. May mga masamang balita na rin tayong naririnig sa diumano involvement ng ilang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na baku-bakong daan ang tinatahak dahil sa kinang ng salapi.
Matagal ko na ring hinahamon ang mga PDEA agents natin na mag-concentrate sa Pangasinan. Huwag puro porma at. magpakitang gilas naman.
As chairman ng Dangerous Drugs Board, I’m bothered by persistent reports on illegal drugs trade sa Pangasinan. Last week nga, kinausap ko si Edgar Apalla, ang PDEA regional officer sa Region 1, para tutukan itong Pangasinan. Until now, I’m still waiting for the results ng kanilang campaign. Sana naman hindi nasayang ang laway ko sa pakikipagusap kay PDEA RD.
Sabi nga, kapag gusto (na mapuksa ang illegal drugs problem), maraming paraan; kapag ayaw, maraming dahilan.
* * * *
Sa Dagupan, natutuwa ako na sunud-sunod ang kanilang nahuhuli na mga suspected drug pushers. Maski nga “point-point” na grams lang, at least may action, may results. Gumagalaw ang kapulisan, hindi natutulog sa pansitan.
Pero, gaya ni Mayor Benjie Lim, ako ay hindi pa lubos na natutuwa. Bakit? What I want to see ay malambat naman nila ang mga “big fish”, hindi ‘yong tipong “alamang” lamang. Ang mga “pating” sa likuran ng mga nahuli na ‘yan ang dapat ang mahuli para may impact ang pag-aresto nila.
Naturalmente, kung pang-bagoong lang ang kaya nila, lalabas lang na katawa-tawa ang efforts nila. Iisipin ng mga tao na nama-mantikaan sila ng mga bosing ng mga pushers na ‘yan, na baka may regular silang allowance kaya malaya pang nakakapag-negosyo ang mga big time pushers na ‘yan.
Bilis-bilisan n’yo naman sana ang pagpapakitang gilas. Nakakainip na kasi.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments