Deretsahan

By July 2, 2012Archives, Opinion

Educator huli sa drugs

By Bebot Villar

ALL that is required for evil to prevail is for good men to do nothing. That’s from Edmund Burke, an Irish political philosopher. I agree, 101 per cent.

Kaya nga lagi kong sinasabi na community participation is very important in the fight against illegal drugs. Pag hahayaan lang ang mga pushers na mag-operate sa lugar, naturally they will enjoy and that means good men let the evil prevail.

Medyo nakaka-inis nga lang dahil lately, marami tayong nata-tanggap na mga unsubstantiated reports na di-iumano may mga naco-confiscate na illegal drugs na nire-recycle. May iba pa na nagsasabing may mga elements ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) who are allegedly extorting money.

Nakakasirang puri ang mga ganito. I dare those who accuse to substantiate their allegations. Katuwang natin ang PDEA sa ating laban. Madaling magsabi at magakusa. Madali ring manira ng kapwa. Pero sana naman, huwag tayong mamuhay at maniwala sa haka-haka. Give me solid information and evidence at sasamahan ko kayo saan man tayo pumunta until mahuli at mapanagot ang may sala.

Kaisa n’yo ako sa malinis na serbisyo. Malaking tulong ang bawat sumbong n’yo. But huwag naman ‘yong tipong gusto n’yo lang sirain ang integrity ng ilang law enforcers.

*       *       *        *

From a very reliable source, I got this piece of news on June 27.

Elements of Dagupan police arrested the vice president of Asian Institute of E-commerce in this city and two others in a drug buy-bust operation in Sanggunian Village, Barangay Caranglaan Tuesday afternoon.

Arrested suspects were identified as John Chris Fuentes, 27, single, vice president of Asian Institute of E-commerce and resident of same place, Manuelito Francisco, 26, married, resident of Barangay Tambac and Joey Ferrer, 29, married of Barangay Tambac, all from this city.

Na-confiscate ng police three sachets of shabu of still undetermined weight and assorted illegal drug paraphernalia. Lahat ng suspects ay dinala na sa city police station for proper filing of case in court.

Nagulat ako. Isang school official involved sa drug pushing? Ibang klase na talaga ang mga gumagawa nito. Ilang estudyante na kaya ang nabiktima niya? Nakaka-panginig ng laman.

Congratulations to the men and women of the PNP Dagupan. More power to all of you and keep up the good work!

*       *       *        *

Happy naman ako at mukhang nagsisipag ngayon si Supt. Romeo Caramat, ang hepe ng Dagupan City Police Station, sa kanilang anti-illegal drugs campaign. Sana ma-sustain ang mga operations nila para linisin ang syudad sa mga basurang pushers at mga kawawang victims nila.

Sa report sa akin ay maganda naman ang kooperasyon ngayon ng limang barangay kapitan sa Dagupan that were identified by PDEA as drug-influenced. Nangunguna na d’yan ‘yong Barangay Binloc. Kaya nga ang hamon ko kay P/Supt. Caramat ay ipatigil nya ang bentahan ng droga sa lugar na ‘yan sapagkat matagal na’ yong verified report sa amin na drug haven ‘yan.

Sa ipinapakitang pagsusumikap ni hepe, who knows I might even recommend him as a national awardee sa darating na anniversary celebration ng Dangerous Drugs Board?

Two down, more to follow. Siguro alam ‘yan ng mga sumusubaybay sa mga kaganapan sa laban sa droga sa Dagupan ang tinutukoy ko rito.

Tama lang ‘yan. Kung may mangyaring masama sa mga drug peddlers at pushers, walang sisihan. Remember, that was the stern warning issued no less by Mayor Benjie Lim. Mas maganda kung umalis na ang mga salot na ito bago pa mahuli ang lahat.

*       *       *        *

Sa huling pagkakataon, nais kong iparating ang aking pagpupugay sa isang butihing haligi ng DDB, ang ating Executive Director at Undersecretary na si retired Rear Admiral Jorge G. Necesito.

Si Usec. Necesito na tubong Umingan, Pangasinan ay sumakabilang buhay na noong Martes.

Mula sa kapamilya natin sa DDB at Villar family, ipinaparating namin ang taos- pusong pakikiramay sa naulila n’yang pamilya. Mananatili ka sa aming puso Usec at baonin mo ang  aming panalangin.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments