Deretsahan

By June 18, 2012Archives, Opinion

Kawawa si Madelaine at ang Dagupan

By Bebot Villar

HOW many more innocent lives would be sacrificed because of the evil effects of drugs? At kailan din kaya matatauhan ang mga local leaders natin before they finally get their acts together for a no-nonsense anti-drug abuse campaign?

Kailangan pa bang mismong anak nila, kapatid, kamag-anak ang mabiktima before they wake up? Hihintayin pa ba nilang maging araw-araw ang patayan before they act?

Hindi pa ba sapat ang bilang ng mga kabataang nasisira ang buhay at broken families dahil sa bawal na droga? How much longer shall we wait bago makinig ang ating mga leaders, down to the barangay, sa ating panawagan to fight drugs?

*       *        *        *

Nang mabalitaan ko ‘yong nangyari kay Madelaine Faith Goyena na walang awang pinatay sa loob mismo ng Dagupan City National High School last June 1, hindi lang lungkot kundi sobrang galit ang naramdaman ko sa sinumang gumawa nun.

Si Madelaine, at age 13 at incoming second year high school, intelligent at mabait na anak, ay larawan ng isang kabataan na full of promises of a good future, ay biglang naging larawan ng isang innocent victim ng di makakalimutang karumaldumal na krimen sa syudad.

Another precious life was wasted. Muling nanaig ang demonyong epekto ng droga sa mga taong gumawa nito. Malaki ang paniniwala ko na hindi magagawa ng isang normal na tao ang ganung klase ng pagpatay kung hindi ito under the influence of illegal drugs.

Pero ang malaking katanungan ay what’s happening to the investigation? May nahuling suspect pero how sure are they na s’ya na nga? Nasaan ang mga sinasabing kasabwat n’ya sa pagsagawa ng krimen?

Ano itong balita ng nakarating sa akin na itong nahuling suspek ay nag-file ng case laban sa Dagupan police ng illegal detention at police brutality? Ibang klase din s’ya kung ganun. Kung ibang suspect yun, basta na lang mananahimik?

Bagamat quiet lang ang pamilya Goyena, feel nating lahat kung gaano kasakit ang mawalan ng anak, much more sa ganitong paraan.

Nasaan ang hustisya? Sana her case will not be just another addition sa mahabang listahan ng unsolved murder cases.

Humihina na ba ang galing ni hepe, Supt. Romeo Caramat, sa pagresolba ng krimen?

*       *        *        *

Nalaman ko na nagkaraoon ng conference si Mayor Benjie Lim noong Huwebes dahil aminado siya na big problem na itong illegal drugs sa Dagupan. Matagal ko ng sinasabi ‘yan. Matagal na rin akong naghihintay ng concrete actions to stop its trade at rampant use sa bayan ni Mayor Lim.

I remember may binitiwang salita (threat?) si Mayor BSL na ipagigiba n’ya ang mga bahay ng drug pushers sa isang barangay na di pa tumitigil sa pagbebenta ng illegal drugs. Obvious na alam ng nga ng mga authorities kung sino ang mga ito but the fact na tuluy-tuloy pa rin ang drug trade rito, anong ibig sabihin nito? Pinababayaaan na lang sila? O may mga kasabwat sa mga law enforcers?

Ano na ang nangyari? Kung walang ma-sample, people will conclude all is plain and simple empty words. ‘Yang mga pushers na ‘yan, heartless at ruthless. Kung di kayo mag-papa-ka-lalaki, tatawanan lang kayo.

Sa barangay level pa lang, dapat ma-stop na. Malaking kalokohan ‘yang pwedeng mag-operate ang mga drug pushers sa isang area na hindi alam ng mga barangay officials. Hindi sila maglalakas-loob mag-operate kung vigilant at palaban ang mga barangay leaders, lalo na si kapitan.

Kaya for me, isang malaking sampal din sa mga law enforcers na ‘yang Barangay Bonuan Binloc sa Dagupan ay patuloy na pinamumugaran ng mga pushers.

Ano ang ginagawa ni Kapitan Pedro Gonzales? Kaduda-duda.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments