Deretsahan
Gising, chief of police ng Dagupan at Urdaneta!
By Bebot Villar
MISMONG sa Pangasinan ay naglipana pa rin ang mga nagbebenta ng illegal drugs, lalo na ng shabu.
Long before I assumed my post as chairman of Dangerous Drugs Board, matindi na ang aking advocacy laban sa droga.
Mayor pa ako noon ng bayan kong Sto. Tomas ay alam na ng mga kababayan ko that I mean business pag droga ang pinag-uusapan. Binigyan ko ng stern warning at kung sadyang pasaway ay pinapalayas ko sa aming bayan ang mga nasasangkot sa droga dahil ayaw kong maging mitsa pa sila sa pagkasira ng kinabukasan ng mga inosenteng biktima.
Alam nilang may kalalagyan sila kapag hindi sila umalis sa bayan ko. Shape up or ship out! Yan ang maikling mensahe ko sa kanila.
* * * *
I challenge the city police chiefs of Urdaneta and Dagupan na magpakitang gilas naman sila sa kanilang laban sa ilegal na droga.
Dapat big fish ang hulihin n’yo at big volume ang kumpiskahin n’yo, hindi yong tingi-tingi lang.
Ang hirap kasi, pag nagbigay ang mga ito ng report, aakalain mong everything is under control pero sa totoo lang, are we still safe in our province against drug peddlers and users?
Nakaka-dismaya kasi ang mga reports ng kapulisan, point point lang sa gramo ang nahuhuli nilang shabu.
Wala na bang mas hihigit d’yan? Don’t tell me na mas mautak at magaling pa sa inyo ang mga salot na drug pushers?
Masyadong matunog ang mga usap-usapan na may mga Muslim communities in these two cities na pinamumugaran ng mga drug pushers. Yong iba nga, it’s all in the family at naging livelihood na nila ito.
Pero ano na ang nangyari sa inyong kampanya? Aba’y namamayagpag pa rin sila ah!
Supt. Fidel Drapeza, police chief ng Urdaneta, magpakitang gilas ka! Inaanak kita pero ayoko ng lalampa-lampa. ‘Wag lang kunin sa pangiti-ngiti. Gawin mo ang nararapat para matuwa naman ang taong-bayan, kasama na ako.
At ito namang si Supt. Romeo Caramat, hepe ng Dagupan police, kumilos ka rin at totohanin mo ang naunang warning sa isang Muslim community d’yan sa lugar mo na hindi n’yo sila sasantohin. Mukhang kayang-kaya kang paikutin ng mga ‘yan!
Pakilosin nyo ang mga intel operatives n’yo. Nakakahiya kung hanggang press release lang kayo!
Yang mga drug addicts kasi, mga biktima ang mga ‘yan. Dapat pinapa-rehab. Itong mga pushers, yan ang mga naglipanang demonyo sa lipunan na dapat nang mawala sa landas natin for good para di na pamarisan.
* * * *
Isang taon na when I first sounded a call in my extemporaneous speech as guest of honor sa Agew na Pangasinan tungkol sa jai-alai operations.
Maraming nagulat noon dahil hindi nila inasahan na isa yun sa babanggitin ko sa harap ng maraming tao.
Alam kong may mga nasagasaan ako sa speech na ‘yun pero pasensyahan na dahil truth hurts.
Ang ipinagtataka ko lang ay kung paano nagawa ng ilang mayors na magbigay ng permit sa jai-alai operation na sa totoo lang ay jueteng din naman.
Siguro maganda kung yong mga vice mayors, lalo na yong mga fiscalizer ng bayan, ay mag-ipon ng ebidensya gaya ng permit na inisyu ng mayor sa jai-alai operation at kung magkano ang napunta sa kaban ng bayan.
Let’s help one another. Sulatan n’yo lang ako sa 3/F DDB-PDEA Bldg. , NIA-Northside Road, Barangay Pinyahan, Quezon City at bigyan natin ng leksyon itong mga matatakaw na opisyal ng bayan sa pamamagitan ng pagsampa ng kaukulang kaso laban sa kanila sa Ombudsman.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments