Deretsahan

By April 2, 2012Archives, Opinion

Paki-explain ang peace and order situation

By Bebot Villar

SA paglabas ng column na ito ay busy na ang mga kapwa kong Katoliko para sa Holy Week observance.

Payo ng ilan, ceasefire muna sa batikos. Okay, kung baga sa boxing, jab jab na lang muna, wag muna mga pang knock out punch.

Pero promise, sa susunod, balik po tayo sa dating style. Kaya’t sa mga tiwali sa gobyerno, hindi ko kayo palalampasin!!!

Pero hindi pwedeng i- postpone ang discussion natin kay Senior Supt. Rosueto “Boyet” Ricaforte, provincial director ng Pangasinan, na naging pabaya sa kanyang trabaho kaya’t very poor ang peace and order situation natin.

*      *      *      *

May mga unconfirmed news circulating around na mapapalitan na daw as PD ng Pangasinan si PD Boyet after the Holy Week.

If true, sa wakas, matatapos na rin ang kalbaryo ng mga Pangasinenses sa pagkakaroon ng kamalasan sa matagal na panahon na parang magic na “now you see him, now you don’t” na PD.

I wonder why dead-ma ang kumpareng governor ko at hindi napapansin ang mga kalokohan ni PD Boyet? Dito lang naman ako hindi kumporme sa kanya, 2 taon ng namiminsala ang kamag-anak ni Lolong na ‘yan pero parang hindi n’ya nararamdaman. Siguro nga, kahit konti may pinagsamahan silang dalawa.

Pasintabi sa inyo talagang ako ay deretsahang magsalita. Kung tama, sasabihin ko at ang sinomang magalit ay haharapin ko.

In case you don’t know yet, tanging si PD Boyet lamang ang madalang pa sa bagyong signal number 3 kung pumasok sa opisina nito. Balitadong abala ito sa paghihimas ng kanyang mga panabong na manok. At kinukunsinti naman ng kanyang mga superiors, pati na ang mga opisyal ng Pangasinan? Wow ha, sobrang mali yan!

Mag-reretiro na si PD sa May kaya naman pagkatapos ng penitensya natin sa kanya, sunod naman siguro ang muling pagkabuhay, ang pagbangon ng Pangasinan bilang top performer sa peace and order? Malamang ito na nga yun!

*      *      *      *

Mabuti naman at napagka-isahan ng mga provincial board members na aprubahan ang isang resolution noong Lunes bago sila mag Holy Week break na ipatawag para sa isang Question Hour itong si PD.

Hindi kaya kunwa-kunwarian lang yan? Kasi ang balita ko halos lahat daw sa provincial board ay namamantikaan na yata? Bato-bato sa langit ang tamaan wag magalit! Pero kung magagalit ka man, haharapin kita!

Salamat, Board Member Alfie Bince, sa resolution mo. Ikaw ang inaasahan ko d’yan na mag ala-retired Justice Serafin Cuevas sa mga intelligent interrogation at rebuttal mo sakaling mag-appear si PD Boyet.

Bago man lang s’ya tuluyang mawala sa landas natin, karapat-dapat lang na mag explain s’ya kung ano ba ang real peace and order situation in Pangasinan.

Gaya nga nang nasabi ko na, walang moro-moro please sa presentation n’ya at dapat deretsahang tanong ang gawin ng mga board members.

Sabi nga ni Bokal Alfie dun sa kanyang sponsorship speech na he would “like to find out from him (Senior Supt. Rosueto Ricaforte) what good has his incumbency brought to the province”.

May ginawa nga ba si PD to solve lawlessness in Pangasinan o bahala na lang sa gasgas na linyang “isolated case” lang kapag may mga gruesome killings and other crimes na nangyayari sa ating paligid?

“Is he willing to share with us true and correct data on the peace and order situation?,” tanong pa ng kaibigan nating si Alfie.

Kung sakaling darating nga si PD Boyet, ito na ‘yong last appearance nya before the board members sa April 16 (sana abutin pa n’ya yun para magkaroon ng saysay ang Question Hour) “so he might as well give us a real picture of the peace and order situation in the province including gambling,” ayon pa kay Alfie.

Okay yan, Alfie, isama mo ang gambling issue dahil malaking isyu yan talaga—malaking pera ang involved dyan!

Siguro kung ‘yong pagiging disciplinarian ni Gov. Espines ang ginawa n’ya kay PD Boyet, malamang natauhan na ito at naituwid na ang baluktot nyang pamamahala sa kapulisan.

O baka naman spoiled brat si PD Boyet kay Gov? May matinding dahilan kaya?

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments