Deretsahan
Good luck PD Boyet
By Bebot Villar
LUBOS ang pasasalamat ko kay Ermin Garcia Jr., kababata at former roommate ko noong high school, sa invitation na maging columnist ng Sunday PUNCH, ang number one community newspaper sa Pangasinan at buong Region 1. Isang malaking karangalan ito para sa akin.
Ito rin ay isang katuparan ng aking pangarap na lalong mapagsilbihan ang ating province sa pamamagitan ng journalism.
Paumanhin lang po sapagkat nakilala ako sa deretsahang pagsasalita sa mga bagay na anomalya at matapang sa pagsisiwalat ng corruption, yan po ay patuloy kong gagawin sa aking column.
Kasama nyo ako na ipaalam sa lahat ang mga mali at tiwali sa government para maituwid ang mga ito sa tamang direction.
* * * *
Hindi na lingid sa inyo na madalas ang pagpuna ko kay Senior Supt. Rosueto “Boyet” Ricaforte, ang PNP provincial director ng Pangasinan.
Siya na ang masasabi nating nuno ng kakapalan sa lahat ng mga naging PD sa Pangasinan dahil magaling syang magpaikot ng kaisipan ng ilang provincial officials natin. Maski nga lantaran na ang katotohanan gaya ng jai-teng (kunwaring jai-alai na jueteng din naman) na pinagkakakitaan ng ilan ng malaki ay pilit pa rin niyang sinasabi na legal gambling ang jai-alai sa Pangasinan. May decision na ang Court of Appeals at Supreme Court at sinabing ito ay illegal!
Magkano kaya ang parte ni PD dito?
Maging ang gambling permits na ibinigay ng mga mayors ay illegal! Kaya’t inihahanda na ang mga kasong ipa-file laban sa mga ito sa Ombudsman!
Matagal na nating ini-report ito sa DILG at PNP pero hindi sila umaksyon Namamantikaan na rin kaya sila? Alam kaya ni PNoy ito?
Tingnan n’yo ang “wang-wang.” Sa isang salita lang ni Presidente ay biglang nahinto ang pag-gamit! Perhaps, ganun din ang mangyayari rito kung malalaman n’ya ang mga kalokohang ito.
Nalaman ko nga sa tuwing may ilalabas ako sa column ko nuon about jai-teng na yan, itong si PD Boyet ay tinatawagan nya ang mga ilang kaibigan natin na broadcaster na nagbabasa ng column ko sa program nila para itigil na nila ang pagbabasa at aarborin na lang nya kasi nakakahiya daw at kawawa naman sya.
Nakakahiya? Alin, yong ginagawa mo, PD? Kawawa? Hanep ka rin ano?
Sige lang PD Boyet, make my day. Baka sa pag-retire mo ay biglang may bubulaga sa iyong malaking problema. Good luck na lang sa iyo!
* * * *
Ang nakakalungkot kasi dito ay dating parating number one in the country ang Pangasinan Police Provincial Office dahil sa efficiency ng mga past provincial commanders. Maski noong panahon ni Gov. Amado Espino Jr. na dating naging provincial commander din natin, outstanding ang Pangasinan police sa performance.
Pero ibang-iba ang inatupag ni PD Boyet. Tingnan nyo kung gaano kalalala ang peace and order situation sa Pangasinan under him! Patayan kaliwa’t-kanan. Habang sinusulat ko ito nitong Wednesday, four shooting incidents and nalaman kong nangyari in one day alone.
Bilib na bilib ako sa ating Governor sa mga magagaling na initiatives nya sa Pangasinan. Talagang sasaludo ako sa kanya. Dito lang tungkol kay PD Boyet ang disappointment ko. Ewan ko, di ko maintindihan kung bakit ganun na lamang ang tiwala nya kay PD Boyet. Ang ipinangako nyang aksyon sa reports natin sa kanya ay nauwi lang ata sa wala.
Yong case nga ng mag-asawang Ramon at Zorahayda Arcinue, noong barilin sila the first time sa Binmaley, ay walang nagawa itong si PD Boyet para ma-identify ang mga suspects hanggang sa tuluyan na silang patayin two weeks ago.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments