Deretsahan

By April 6, 2015Archives, Opinion

Road repairs and traffic

BEBOT VILLAR

By Bebot Villar

 

HAPPY Easter po sa inyong lahat! By this time, many of our provincemates na nagbakasyon will begin their trek back to the places where they work, lalo na sa Metro Manila.

It’s been a long weekend. Every time Holy Week approaches, pahirap nang pahirap ang pagbibiyahe ng marami sa ating mga kababayan. Well, it’s mainly because our population continues to grow and there are not enough buses and other modes of mass transportation.

Nakakaawang tingnan ang mga families na may kasama pang mga bata at mga bagahe sa mga bus terminals. Just having to wait for buses, one can already feel the inconvenience na nararanasan nila and the excitement na makapagbakasyon. For sure, ganito rin ang mga eksenang masasaksihan natin ngayong pabalik na sila. But it is not just those who took public transportation that encountered hassles along the way. Kahit iyong may mga kotse or private vehicles.

With the usual big volume of traffic going out of Metro Manila, exit toll way stations na ang nagiging choke points. Mabilis ang build up ng mga sasakyan doon kung kaya’t humahaba ang pila. Ang nakakainis, the situation is the same in all exit points. Then, once the vehicles exit from the expressways, may mga road repairs pa! Sa Pangasinan, may one-way lane sa bandang Pozorrubio since Tuesday, just when vacationing families started going up to Baguio City. May isa pa ngang lugar doon where the road shoulders are being repaired.

Sobrang inconvenient talaga! Instead of traveling faster dahil sa mga expressways, lalo tuloy nagiging mahaba at matagal ang biyahe. Sabi ng ilang mga sutil, sige na, okay na lang, kailangan ding mag-sacrifice, tutal naman daw, Mahal na Araw. We have too din daw maramdaman natin ang dinanas ng Panginoong Diyos na paghihirap nang ipako siya sa krus.

But someone asked: Ano naman daw ang parusa who caused all the inconvenience na ito, that should have not been there in the first place?

*          *          *          *

If in the last five years ay naging mabilis ang pagbaba ng populasyon ng kalabaw sa Pangasinan, this year medyo napigilan na ito. Hundreds of carabaos ang kinakatay sa mga slaughterhouses natin. Maliban sa pigar-pigar, ginagawa rin kasing tapa ang carabao meat.

Naging aggressive kasi ang Philippine Carabao Center at ang provincial veterinary office in the campaign to end the decline of carabao population.

Their information and education campaign worked! Now our farmers are aware that female and breedable carabaos should not be butchered for meat, kasi nga naman, sayang iyong puwede pa nilang ipanganak na puwede pang pagkakitaan ng mga magsasaka.

Based on the latest figures from the PCC, this year, carabao population in the province decreased by just 675, from 17,675 in 2013 to 17,000 in 2014. Note: From 2010 to 2013, the province’s carabao population decreased by 32,659!

The provincial ordinance na nagbabawal sa pagkatay ng mga babaeng kalabaw na breedable pa also helped.

The buy-back scheme of the provincial government also worked. In this scheme, farmers who are selling their carabaos, lalo na pag gipit na, are bought by the provincial government. This way, maipamamahagi ulit as livelihood projects to other farmers at magagamit sa breeding and milking.

Isa na lang ang kailangang dapat mawala – ang mga cattle rustlers! Bagama’t may effort ang PNP to contain them, may mga farmers who report sa atin na bigla na lamang pa rin nawala ang kalabaw o baka nila. Worse, may mga balitang sa bukid na mismo kinakatay ang mga nakaw na kalabaw! This should stop!

*          *          *          *

During the Holy Week rush, the Department of Public Works and Highways district office in Rosales was frantic calling the attention of local government officials of towns traversed by the national highway in eastern Pangasinan, to remove all forms of obstruction on the paved road shoulders.

Meron palang department order bawal mag-park ng sasakyan, bawal magtayo ng tindahan at bawal magbilad ng palay doon sa road right of way, kasama na ang shoulders!

The problem is, dahil sa masaganang ani ng ating mga magsasaka, napakaraming nilang palay na dapat ibilad upang mas maganda ang presyo kapag ibenta nila ang mga ito. At dahil sa kulang ang lugar kung saan puwede nilang ibilad ang mga palay, well, sa gilid na lamang ng kalsada! Sa isang national highway, sobrang hassle ito, lalo na’t nilalagyan ng malalaking bato ng mga magsasaka sa kalsada para hindi sagasaaan ang kanilang ibinilad.

Sa isang banda, hindi makakabuti rin ito sa mga magsasaka dahil kung sa tamang lugar nila ibibilad ang kanilang palay, mami-minimize ang loss. Sa gilid ng kalsada kasi, nililipad ang kanilang mga palay sa tuwing may dumadaan na sasakyan! Sayang.

Let’s see how the local government authorities will address this problem. Hindi naman siguro kailangang brasuhin ang ating mga magsasaka. Ang lahat ay makukuha sa maayos at mahinahon na usapan.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments