Deretsahan

By March 24, 2015Archives, Opinion

Spate of shooting incidents

BEBOT VILLAR

By Bebot Villar

 

LAST week, Pangasinenses were shocked to learn that former Board Member, now assistant provincial health officer, Dr. Jeremy Rosario was shot and wounded by one of the men aboard a motorcycle as he drove home to Manaoag.

Marami ang nagulat because no one would have thought that it could happen to him. Sa aking pagkakakilala kay Dr. Ming, hindi siya yong isang abusive politician while a member of the provincial board. Mabait siyang tao at kilala ko talaga dahil inaanak ko siya sa kasal.

In his new position, although halos mahigit isang taon pa lang siya roon, he had proved to be one of the provincial government’s hard working department heads. Kaya naman hanggang ngayon, the incident continues to puzzle investigators – Ano ang dahilan ng pamamaril? Kaya naman hanggang ngayon din, no suspect has been identified.

Then, the other Saturday, two shooting incidents took place in Dagupan City, almost at the same time. Another one was reported in San Carlos City on the same night. Mabuti na lamang at hindi napatay ang mga victims sa Dagupan. Pero iyong sa San Carlos, napuruhan ang biktima and died.

Marami tuloy sa ating mga kababayan ang nagtatanong kung bakit nagiging madalas na naman ang mga shooting incidents sa Pangasinan. Tanong nila: “Is Pangasinan still a safe place to live in?”

Sa mga latest na kaganapan, the gunmen made it look so easy to shoot their victims. In one of the incidents, the gunmen casually stopped their motorcycle near their target. Then one of them got off and started shooting.

We know that our police force had been setting up checkpoints across the province. Wala pong duda riyan. But the question is: Is this enough? Baka naman dapat pa nating pag-ibayuhin ang ating intelligence work? Baka naman kailangan na rin nating sipagan pa ang pagsasagawa ng surveillance sa mga suspected guns-for-hire?

Let us no longer wait for the problem to get worse. Let us stop the shooting incidents in Pangasinan now! What happened to Dr. Ming should be the last!

*          *          *          *

Looking at the daily police reports, halos araw-araw noong nakalipas na buwan ay may nahuhuling isa o dalawang drug offenders in our towns. This just shows na hindi binibitiwan ng ating mga law enforcers ang campaign laban sa illegal drugs.

While the series of accomplishments is good news, sa kabila naman nito is the fact na talamak pa rin ang illegal drugs in Pangasinan. Kung papaano nakakapasok ang mga ito sa ating probinsya ay being closely monitored ng ating mga law enforcers.

Sa focus na inilaan ng mga law enforcers sa pamamagitan ng paghuli sa mga street pushers at pagkakadiskubre ng mga drug dens, the market is slowly constricting.

At sa reinforced campaign, hindi lamang ang mga kabataan ang target kundi mga parents and other family members. Kaya inaasahang there will be less that will be attracted sa paggamit ng illegal drugs o di kaya’y maisasalba sa masamang epekto ng mga ito.

The parents are being encouraged kasi ngayon na i-report sa authorities ang kanilang mga kapamilyang involved sa illegal drugs, pusher man o user ito. Mahirap ito, lalo na sa mga parents, but this is one of the ways para maitama natin ang landas na tinatahak ng ating mga mahal sa buhay.

Pag di natin agad ginawa ito, pag di natin sila agad napigilan sa kanilang involvement sa illegal drugs, lalala ito hanggang sa umabot sa puntong wala na tayong magagawa kundi ang magsisi.

To our law enforcers, ipagpatuloy ninyo ang focus laban sa illegal na droga. Sige, lang, trabaho lang, Tiyaga lang. Mauubos din ang mga iyan at baka sa dulo, isang malaking isda na ang mahuli ninyo!

*          *          *          *

It looks like wala nang pag-asa pang kumita ang mga onion farmers sa Bautista at Bayambang. Sobra kasing naging mababa ang presyo nito since last month. Bagama’t tumaas ng konti, it was not enough for the farmers to break even.

What we can’t understand ay kung bakit nangyari ito. Even our Department of Agriculture officials are at a loss sa biglang pagbulusok ng presyo ng sibuyas. Wala namang importation na naganap. It means, puro locally-produced onions ang nasa market ngayon na ang retail prices ay pareho pa rin sa dating P40 kada kilo.

May nagsabing marami lang daw talaga ang nagtanim, kung kaya’t marami rin ang ani. Kaya lang daw, sinabayan ng paglabas ng mga matagal nang nakaimbak na sibuyas sa mga storage facilities.

If there’s anyone who profited here were the middlemen. Ang nakakainis, laway lang ang puhunan nila. Ni hindi sila humawak kahit isang sibuyas noong panahon ng pagtatanim at anihan! Bibilhin lang nila nang mura sa magsasaka then turn around and sell it to traders at much higher price. At ang pinag-uusapan dito ay libo-libong kilo ng sibuyas!

Poor farmers. Sana may mai-abot man lang na tulong ang concermed government agencies para naman makaahon sila ng konti sa kanilang kinasadlakang hirap!

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments