Deretsahan

By March 2, 2015Archives, Opinion

More drug cases filed in courts

BEBOT VILLAR

By Bebot Villar

 

THERE had been an increase in the number of drug cases that the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) filed last year, compared to the number of cases that the agency filed in 2013.

Sa report na tinanggap natin mula kay PDEA Director General Arturo Cacdac Jr., umabot sa 17,074 drug cases ang kanilang naisampa sa iba’t ibang korte sa bansa noong nakaraang taon, compared sa 10,502 drug cases noong 2013. Halos 63 percent ang itinaas ng bilang.

Ayon sa kanya, over the past 12 years, umaabot na sa 106,092 drug cases ang na-file na sa korte at 19,585 dito or 18.46 percent ang na-resolve.

Sa mga resolved cases naman, 5,265 or 27 percent ang nauwi sa conviction, 9,051 o 46 percent ang acquittal, at 5,269 or 27 percent din ang na-dismiss.

To me, the increase in the number of cases filed is an indication that our law enforcers have been working very hard to apprehend drug traffickers, hauled them to the courts and eventually to jails.

Nakakalungkot lang na mababa pa rin ang conviction rate not because of our law enforcers doing, kundi dahil sa provision ng batas na naging pahirap sa law enforcers, lalo na kung nagsasagawa ng raid.

Buti na lang, na-amend na rin ang batas last year at ang kinakailangang bilang ng mga witnesses sa inventory ng drug evidence ay dalawa na lamang.

Pinapayagan na rin ng batas ang pagsasagawa ng physical inventory ng mga confiscated illegal drugs doon mismo sa lugar kung saan nakuha ang mga ito, sa pinakamalapit na police station or kaya’y sa office ng apprehending unit, as long as the integrity and evidentiary value of the seized items are properly preserved.

With this amendment, we are seeing this year not only an even higher number of drug cases that will be filed in the courts, but also higher conviction rate.

Magpapatuloy ang pagiging masigasig ng ating mga alagad ng batas in battling illegal drugs hangga’t hindi ganap na nawawala ito sa ating lipunan! At titiyakin din nilang lahat ng mga mahuhuli ay makukulong!

*          *          *          *

Davao City Mayor Rody Duterte’s visit to Dagupan City the other week can only indicate that he is trying to test the waters, so to speak, for the 2016 presidential elections.

Well, when he went to the Lyceum Northwestern University (LNU), he was guest of a forum on federalism, a form of government that he is advocating.

Mahaba ang naging speech ni Mayor Duterte sa forum na iyon. Kapuna-puna rin ang pagdating doon ng mga prominent politicos and former cabinet members.

Wala namang masama actually na i-offer niya ang kanyang sarili bilang isang alternative presidential candidate, kung iyon nga ang patutunguhan ng kanyang paglilibot sa Northern Luzon.

Lahat ng Filipino, as long as they meet the qualifications na nasa Constitution, ay maaaring tumakbo bilang presidente.

Kaya lang, mukhang hindi pa talaga decided si Mayor Duterte kung tatakbo ba siyang presidente o hindi. Sa open forum, tinanong siya ng isang student if he was running for president. At ang sagot niya, ““If only to save this republic, I could run for president. I could make this sacrifice if only to save this country from being fractured.”

But in the ambush interview ng local media paglabas niya sa LNU gym, sinabi niyang hindi siya tatakbong presidente dahil wala siyang pera.

Last Sunday, sinabi naman niyang he will keep an open mind.

Ano ba talaga, kuya? If he is still unsure about what he intends to do in the 2016 presidential elections, this might send a wrong signal to the voters. Baka imbes na makakuha siya ng suporta, ay mawala niya ito.

He could have said firmly that he was running for president. This way the voters, especially the youth, will be able to compare him with other candidates and decide who to vote for when the time comes.

Sana, hindi na pinalampas ang opportunity na iyon para i-offer ang kanyang sarili as a presidential candidate. Anyway, next time siguro

*          *          *          *

Headline sa lahat ng pahayagan last Sunday ang announcement ni Floyd Mayweather Jr. na matutuloy na ang laban niya with our very own Congressman Manny Pacquaio sa May 2.

Every Filipino is excited about it, lalo na sa mga nayayabangan kay Mayweather na sa mga nakalipas na taon ay panay ang patutsada kay Pacquiao.

Sabi nga nila, this is will be the world’s richest and biggest fight.

But more than the pot money involved, ang mas mahalagang nakataya dito ay ang karangalan ni Pacquaio at ng buong sambayanang Pilipino. Ang tagumpay ni Pacquaio dito ay tagumpay ng bawat mamamayan, katulad noong mga nakaraang niyang mga laban.

Tiyak, hindi lang ang Pilipinas ang titigil sa Mayo 2. The whole world will stop!

Katulad noong mga nakaraang laban ni Pacquaio, no crime was recorded by the police anywhere. Maging ang mga kriminal at mga drug pushers ay nakatutok sa mga TV sets para mapanood ang laban at maki-aray sa bawat suntok na tumatama kay Pacquaio at humiyaw sa pagbagsak ng kanyang kalaban.

Isa rin kasing magandang role model si Pacquiao sa mga kabataan. Isang buhay na larawan ng pagsisikap at pagtitiwala sa sarili upang magtagumpay.

Manalo o matalo, hindi mawawala ang paghanga ng mga mamamayang Filipino kay Pacquiao. Nawa’y patuloy siyang magsilbing halimbawa para sa mga kabataang Filipino!

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments