Deretsahan
Only one solution left
By Bebot Villar
IT was Tuesday night when I chanced upon a TV interview of my friend, retired general Dionisio R. Santiago, former chief ng Bureau of Corrections (BuCor) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Maliwanag ang sinabi ni Gen. Santiago na dati pa at during his time ay talagang may nagma-manufacture na ng droga sa loob ng Bilibid!
In short, tama lahat ang mga reports na dumarating sa atin at hindi tsismis lang. It appears now that kahit convicted na ang drug lord ay bale-wala rin dahil tuloy ang kanyang negosyo, kahit pa sa Bilibid siya nakakulong!
Only in the Philippines! Ibang klase talaga ang Pinoy pag nagtrabaho. Kahit saan o ano pa man, laging lumalabas ang pagiging enterprising. Sino naman ang mag-iisip na puro kalokohan lang din ang umiiral sa BuCor? Dahil naniniwala tayo sa batas at sa nagpapatupad nito kung kaya hindi natin iniisip ang mga bulok na sistema tulad nyan.
It looks like na kahit ilang drug summit at seminar ang pag-gagawin natin dito sa Dangerous Drugs Board (DDB) in aid of effective operation ng ating mga law enforcement units ay parang useless lang.
Kung sa loob ng BuCor ay dati nang may shabu lab, we should not be surprised why sobrang dami ng supply ang nakakalat ngayon! Talaga yatang kanya-kanyang survival na lang ang labanan sa Pilipinas ngayon? Imagine, naroon sa loob ng BuCor ang drug lords at kumpleto me bantay pa, para lang magpatuloy ang kanilang iligal na transaksyon? Grabe na talaga!
There is only one solution to the drug trading inside our prisons – replace the officials dahil most likely sila ang nabibigyan ng pabor kung kaya nangyayari ang hindi dapat sa loob ng kulungan!
Kina-kailangan nga siguro talaga ang isang malakihang rigodon upang mapanatili ang kaayusan partikular sa ating BuCor? Kung sa sasakyan o makina na malaki na ang problema, hindi puwede na isang bahagi lang ang i-repair kung di ang ka-buo-an!
Sorry sa mga hindi gumagawa ng kalokohan pero hindi na katanggap-tanggap ang mga ganitong pangyayari sa mismong BuCor! For as long as there are public servants sa loob ng mga piitan na kasama sa payroll ng sindikato, we cannot expect to win the war against illegal drugs.
* * * *
Naka-sabat naman ang PDEA-11 ng shabu worth one million sa isang buy-bust operation sa Compostela Valley Province! Ang maganda rito, isa sa dalawang suspek ay priority targeted drug personality ng Region 11 who was identified during the PDEA Intelligence Workshop recently held sa Quezon City. Aside from shabu, 5 grams ng dried marijuana leaves at drug paraphernalia were found in their possession.
Siguro naman kung ganito kalalaki ang mga ebidensya na nakuha ay malayo na sa dismissal ang kasong isasampa??? Pag kasi may technicality na nakita ang korte, humihina ang kaso hanggang sa tuluyan na ma-dismiss!
There have been a lot of cases that were dismissed by the courts because the evidence presented were “weak” daw. And this trend continues to this day. Minsan tuloy, napapa-isip ako kung talagang “weak evidence” nga lang kaya ang nakapag-pa-dismiss sa mga drug-related cases na ‘yun? Wala kayang ibang dahilan?
Hindi natin masisisi kung may mga kababayan tayo na maliit ang tingin sa ating mga taga-gobyerno at tila walang tiwala sa atin! Dahil mas madalas kaysa sa hindi na ang iligal at hindi dapat ay nananaig kapalit ng ilang pabor kasama na ang pera!
Pati tuloy ang restoration ng death penalty ay affected! The fear of those opposed to it ay dahil maaaring ma-abuso lang daw!
Sa mga ganitong pangyayari, nagiging tutoo yata ang ipinaglalaban ng ilan dahil may problema nga ang ating justice system kung ganun??!!
* * * *
Yesterday, I had about 20 visitors from the General Directorate of Narcotics Control ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA). They came for a study visit in the country.
Binigyan ang mga bisita ng briefing on the DDB Policies and Program ng ating masipag na DDB Permanent Member, Usec. Edgar C. Galvante.
One of their main objectives is to conduct a strategic overview sa pagpapatupad ng anti-drug law at sharing ng best practices. Naka-schedule ang mga bisita upang dumalo sa isang one-month training on Capability Enhancement on Anti-Illegal Drug Operations for Narcotics Law Enforcers hosted by PDEA.
Hindi man drug-free ang ating bansa, marami pa rin ang naniniwala sa kakayahan natin na mas mahusay pa rin ang ating mga stratehiya kung ikukumpara sa ibang neighboring countries sa Asia. Kung kaya naman hindi tayo naba-bakante sa pagdating ng mga bisita na gustong matuto sa atin tulad ng mga ito na galing sa KSA.
(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko, 09159509746 o `di kaya ay mag-email sa `wag kukurap_101@yahoo.com.ph)
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments