PRAYING TOGETHER, PREPARING TOGETHER
UNLISERBISYO NI MAYOR BELEN
TULOY and earthquake preparedness with teachers sa tulong po ng ating city risk reduction and management council.
Nag-umpisa na ang mga lectures na pinagunahan nina CDRRMO Chief Ronaldo De Guzman, PARMC led by Melykhen Bauzon, PNP Chief Brendon Palisoc, BFP Chief Michael Escaño, tungkol sa mga kinakailangang paghahanda sa anumang sakuna, kaugnay sa kamakailang report ng PHIVOLCS tungkol sa posibleng 8.2 magnitude earthquake.
“Safety has always been our priority, so everyone must be involved in the preparation. Panahon po ng pagkakaisa at pagtutulungan,” sabi ni Mayor Belen. Pinasalamatan nya si DepEd SDS Rowena Banzon at lahat ng teachers na dumalo sa seminar, at si City Engr. Josephine Corpuz, Dra. Opal Rivera kasama ang kanilang mga team sa kanilang tulong. “Let us pray and always be prepared,” dagdag nya.
* * * *
MAY HAKBANG KONTRA SA MGA WALANG PERMIT, HINDI NAGBABAYAD NG BUWIS
INAASAHAN ng city government na makuha ang target na 100% tax collection sa lahat ng mga negosyo, kasabay ng istriktong implementasyon ng local taxation ayon sa batas.
Kamakailan lang ay nakatanggap si Mayor Belen ng report na marami ang delinquent tax payers, hindi nagbabayad ng buwis, at maging mga walang permit na nagnenegosyo.
Kaya inihahanda na ni City Legal Officer Atty. Aurora Valle ang kaukulang hakbang upang matiyak na patas sa lahat ng mga negosyante ang istriktong koleksiyon ng buwis. Bibigyan naman ng panahon ang mga establisyemento na makapag-comply bago mag issue ng “non-compliance” at maipasara ang mga lumalabag na negosyo.
Kabilang ngayon sa mga areas na tinututukan ng One Stop Business Center (OSBC) ang Malimgas – McAdore Market, Arellano, A.B. Fernandez, Bonuan Gueset, iba pang business establishments na isa-isang iniikot ng ating mga tax mappers. “Importante po ang hakbang na ito dahil ang tamang pagbabayad ng buwis ay katumbas din ng mas maraming proyekto at programa para sa mga nangangailangang Dagupeños,” ani ni Mayor Belen.
* * * *
SIGAW NG MGA KABABAIHAN: ITAYO NA ANG MATERNAL AND CHILDREN HOSPITAL!
SUPORTADO ng 100% ng mga kababaihan, solo parents, vendors, sari-sari store owners ang pagpapatayo ng Maternal and Children Hospital dahil higit na kailangan nila ang mga libreng serbisyong medikal. Mayroong 1,000 beneficiaries ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na kasalukuyang sumasaillim sa profiling ang nagpahayag din ng suporta sa pagpapatayo sa lalong madaling panahon ng Maternal and Children Hospital na proyekto ng DOH para sa Dagupan.
Sa pamamagitan po ng Mother and Child Hospital mas maipapaabot pa ang tulong sa mga mahihirap, libreng check-up at panganganak ng bawat ina, magiging ina at para sa kanilang anak. Mula naman po kay Senator Pia Cayetano ang AICS na ating ipahahatid.
“Salamat po, Sen. Pia sa inyong tugon sa ating request na matulungan ang mga lubos na nangangailangan,” sabi ni Mayora.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments