MARAMING SALAMAT PO! 
 


By May 19, 2013Advertisement

Natapos na ang halalan, at base sa inyong mahalagang boto, maliwanag na ako ang gusto ninyong  mamuno sa ating siyudad sa susunod na tatlong taon!

Dahil dito, ako po at ang buong Gina-Belen-Michael Team, kasama ang  aking  mga mahal sa buhay,  ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat  dahil kundi sa inyo,  hindi ko kailan man mararating ang tagumpay at kaligayahan  na tinatamasa  ko sa kasalukuyan.

Nais kung kunin ang pagkakataon na ito upang pasalamatan ang aking mga supporters na kahit dumanas ng  ibayong hirap, pananakot at harassment mula sa ibang  kampo, sila po ay nanatiling matatag, matapat at ni isa sa kanila ay walang bumitiw.

Ito ay nagpapakita lamang na sila at ako at kayong lahat ay nagkakaisa upang bigyan ang ating lungsod ng ibayong PAG-ASA AT PAGBABAGO, ang programang masigasig po   nating isinulong  sa kampanya.

Sinisigurado ko po sa inyo na ang mga ipinangako ko sa inyo noong kampanya ay tutuparin ko at hindi lang yon: I will do more than that.

Sa ating mga nakatunggali, ipinapaabot ko sa kanila ang kamay ng wagas na pakikipagkaibigan. Bilang Dagupeño, sana  iwaksi na natin ang pagkamuhi at pairalin natin  sa lahat ng pagkakataon ang pagmamahalan sa bawat isa.

Tapos na ang halalan at ang  ang bawat isa ay  dapat nang  bumalik sa normal nilang buhay para muling mabalik ang katahimiukan sa lungsod .

Sana po, isipin natin ang kapakanan ng nakararami na umaasa sa tulong ng kanilang mga kapwa na nakakariwasa at nakakataas sa  sa istado ng buhay.

Tulungan ninyo ako para tuluyang mawala ang graft and corruption  upang  maibalik sa dati ang  Dagupan sa kanyang dating Golden Age  na  tinamasa natin noong mga ilang dekada na ang nakalilipas

Katulad ng aking sinabi, ako po ay babalik sa inyo upang kunsultahin kayo tungkol sa mga nararapat na programa at proyekto sa Dagupan na may kabuluhan sa inyong   buhay.

Ako ay umaasa  na sa pagtutulungan at pagsama-sama ng mga mamamayan ng lungsod, kasama ang mga senior citizens, urban poor, sumisigay, kabataan, jeepney at tricycle drivers, mararating natin ang dulo ng ating pangarap para sa pinakamamahal nating  Dagupan!

BELEN FERBelen T. Fernandez 


Mayor-elect, Dagupan City 

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments