2024 DIVISION SCHOOLS PRESS CONFERENCE
UNLISERBISYO
…ni MAYOR BELEN FERNANDEZ
AKO po ay nakikiisa sa pagbubukas ng 2024 DIVISION SCHOOLS PRESS CONFERENCE sa ating lungsod, ang taunang aktibidad para sa ating mga young journalists.
Tiwala po ako na kayo ang magsisilbing tagapaghatid ng katotohanan bilang mga susunod na media men and women ng kinabukasan.
Para po sa inyo, ipinapahayag ko ang buong suporta sa mga campus journalist sa siyudad katuwang ang DepEd Dagupan para sa paglilinang ng talento sa sining ng pamamahayag.
Maliban sa Special Program for the Arts (SPA) Building na ating ipinatayo sa Dagupan City National High School, mayroon na ring 1 million pondo pambili ng mga kagamitan sa katabing New School Library para sa nalalapit na pagbubukas nito.
For bidding rin po ang bagong 2-Storey School Building sa DCNHS habang muli po natin popondohan ang 20 Million Science Building sa Supplemental Budget 1 ng 2024 kahit pa kasama ito sa in-slash ng 7 Majority sa Sanggunian.
* * * *
‘MAAYOS, MALINIS AT MATUWID NA PAMAMAHALA NG BARANGAY’
SA patnubay po ng ating siyudad, sumailalim ngayong araw ang mga barangay at SK officials sa isang seminar tungkol sa “official procedures” para sa mas maayos, malinis at matuwid na pamamahala ng kanilang pinansiyal.
Mahalaga ang presensiya at partisipasyon ng mga opisyal dito upang maiwasan ang “failure on liquidation/expense report” na siyang mahigipit na binabantayan ng Commission on Audit o COA.
Para po ito sa transparency and accountability, simula sa barangay officials habang pinananatiling naipaabot nang maayos ang mga serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.
Tinalakay din dito ang mahalagang parte ng mga barangay officials pagdating sa kahandaan sa posibleng kalamidad bilang pagpapatuloy ng “HANDA KA BA? Education Campaign on Disaster Preparedness”, maging ang proper waste management simula sa barangay.
* * * *
ANG “SDG 2: ZERO HUNGER SA DAGUPAN”
SA tulong po ng programa ng DSWD, siguradong may access sa mga masustansiyang pagkain ang mga batang Dagupenos, at upang manatili silang malusog at malayo sa sakit.
Katuwang po natin sa dito ang CSWD at City Nutrition Office, Child Development Workers, BHW, BNS, barangay volunteers at mga magulang simula sa paghahanda ng pagkain ng mga bata hanggang sa monitoring ng timbang at taas ng mga bata na angkop sa kanilang edad.
Namahagi po tayo ng additional food items mula sa DSWD para sa Supplementary Feeding Program sa ating mga Day Care Learners sa ilalim ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Program sa siyudad.
“SDG 2: ZERO HUNGER” is about creating a world free of all forms of malnutrition by 2030.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments