MARAMING SALAMAT PO!
Natapos na ang halalan, at base sa inyong mahalagang boto, maliwanag na ako ang gusto ninyong mamuno sa ating siyudad sa susunod na tatlong taon!
Dahil dito, ako po at ang buong Gina-Belen-Michael Team, kasama ang aking mga mahal sa buhay, ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat dahil kundi sa inyo, hindi ko kailan man mararating ang tagumpay at kaligayahan na tinatamasa ko sa kasalukuyan.
Nais kung kunin ang pagkakataon na ito upang pasalamatan ang aking mga supporters na kahit dumanas ng ibayong hirap, pananakot at harassment mula sa ibang kampo, sila po ay nanatiling matatag, matapat at ni isa sa kanila ay walang bumitiw.
Ito ay nagpapakita lamang na sila at ako at kayong lahat ay nagkakaisa upang bigyan ang ating lungsod ng ibayong PAG-ASA AT PAGBABAGO, ang programang masigasig po nating isinulong sa kampanya.
Sinisigurado ko po sa inyo na ang mga ipinangako ko sa inyo noong kampanya ay tutuparin ko at hindi lang yon: I will do more than that.
Sa ating mga nakatunggali, ipinapaabot ko sa kanila ang kamay ng wagas na pakikipagkaibigan. Bilang Dagupeño, sana iwaksi na natin ang pagkamuhi at pairalin natin sa lahat ng pagkakataon ang pagmamahalan sa bawat isa.
Tapos na ang halalan at ang ang bawat isa ay dapat nang bumalik sa normal nilang buhay para muling mabalik ang katahimiukan sa lungsod .
Sana po, isipin natin ang kapakanan ng nakararami na umaasa sa tulong ng kanilang mga kapwa na nakakariwasa at nakakataas sa sa istado ng buhay.
Tulungan ninyo ako para tuluyang mawala ang graft and corruption upang maibalik sa dati ang Dagupan sa kanyang dating Golden Age na tinamasa natin noong mga ilang dekada na ang nakalilipas
Katulad ng aking sinabi, ako po ay babalik sa inyo upang kunsultahin kayo tungkol sa mga nararapat na programa at proyekto sa Dagupan na may kabuluhan sa inyong buhay.
Ako ay umaasa na sa pagtutulungan at pagsama-sama ng mga mamamayan ng lungsod, kasama ang mga senior citizens, urban poor, sumisigay, kabataan, jeepney at tricycle drivers, mararating natin ang dulo ng ating pangarap para sa pinakamamahal nating Dagupan!
Mayor-elect, Dagupan City
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments