Ang love ni Rachel – District 3!

By April 2, 2009Governance

Ang Kaibahan ng Kababaihan! (Part 2)

Sadyang napakasaya ng paghihiwalay ng mga kababaihan ng syudad ng San Carlos matapos ang kanilang selebrasyon ng Women’s Month. Nabuo, at nahigitan pa nga ng Local Councils of Women ang kanilang hiling na pondo mula kay City Mayor Julier “Ayoy” Resuello at Kongresista Rachel “Baby” Arenas para sa kanilang soap-making livelihood program!

Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe patungong Barangay Libas nang tumunog ang celpon ng Kongresista. Kung sana ang damdamin ng nag-send ay pwedeng ipadala sa text, sa wari ba namin ang text na ito ay punong-puno ng pag-aalala: Huwag na po kayong tumuloy sa Libas, please lamang po. Ang mensahe ay hindi lamang minsan ipinadala. Paulit-ulit, nguni’t napalitan ang nakarehistrong celfon number.

Sa puntong ito, nagtawagan at nagkonsultahan na ang Kong Rachel at ang kanyang mga kasamahang naiwan pa sa San Carlos, iyong mga nauna na sa Libas at iyong aming mga kasabay sa convoy ng mga sasakyan. At na-confirm nga ang posibilidad ng banta.

rachel1

rachel2

rachel3

rachel4

rachel5

Nguni’t kakaiba talaga ang ating Kongresista. Kahit na nabawasan ng kaunti ang kinang ng saya sa kanyang mga mata at ang gaan ng sigla sa kanyang mga ngiti dahil sa pag-aalala sa kaligtasan ng lahat, nagpatuloy pa rin siya sa Libas. Hindi niya kayang biguin ang naghihintay na mga mag-aaral ng Libas National High School. Nuon ang ‘Turn-Over Ceremony at Blessing’ ng dalawang classrooms na kanyang handog sa ikagaganda ng kanilang kinabukasan.

rachel6

Ang paghanga at pagkilala ng mga taga-Libas sa kagandahan, kabutihan at katapangan ng loobin ng Kong Rachel ay aming malugod na nakita sa eksenang ito. Makalipas ang kanyang speech kung saan hindi niya napigilang ikuwento ang nakaraang pangyayari na kamuntik nang humadlang sa kanyang pagdating sa okasyong ito, lumapit at nakiusap ang Principal Alvaro Aquino ng Libas National High School sa Kongreswoman na sana siya ang unang gumupit sa buhok ang kanyang apo na si Benespor Windy Simon. At nagpaunlak naman si Kong Rachel habang ang ina ng bata ay kalmanteng nakatanghod. Ang galak ay muling nagbalik sa mga mata, mga ngiti at pagkilos ng ating Kongreswoman. Ang sabi nila ang kabutihan ng nangugupit ay mapapasa-bata lalo na kung siya ang unang gumupit sa kanyang buhok.

rachel7

Pagkatapos ng blessing ng dalawang silid-aralan, ang Kongresista naman ang tumanggap ng blessing mula kay Father Reynaldo Romero.

rachel8

Noong Biyerbnes, ika-13 ng Marso, sa pagsasara ng Moral Recovery Program na ginanap sa San Julian Elementary School sa Malasiqui, iniabot ni Kong Rachel kay DepEd District Supervisor Sofronio Domantay, kuya ng Malasiqui Mayor Armando Domantay, ang tsekeng nagkakahalaga ng kalahating milyon bilang tulong sa kinakailangan nitong kidney transplant. Ang tseke ay agad-agad namang iniabot ni Supervisor Domantay sa pangangalaga ni Dr. Abraham Coquia ng Cipriana Coquia Memorial Dialysis Center (CCMDC) habang naghahanap pa ng kidney donor. Ang pangangailan ng nakatatandang Domantay ay inilapit ni Kong Rachel sa Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Makalipas ang isang araw, itinawag ng Palasyo na handa na ang tseke, at ito ay inihatid naman ng Ginang Rosemary “Baby” Arenas sa Pangasinan.

rachel9

Talaga. Kakaiba ang kababaihan sa puso at gawa!

rachel10

Huli man daw at magaling, e di magaling pa rin! Papaalis na kami sa San Julian Elementary School nang aming makilala si Bienvenida V. Lopez, ang composer ng Malasiqui Hymn “Balon Malasiqui”. Pinagitnaan siya ng mag-inang Arenas sa larawan. Kung sa kanya ang musika at lyrics ng awiting-bayan, sa mga taga-Malasiqui naman ang pagbubuo at pagkakaisa ng tinig at damdamin.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments