Ang Love ni Rachel – District 3!
Ang Kaibahan ng Kababaihan!
Ni Pauline
Ngayong Marso 2009, ang national theme ng Women’s Month ay “Babae, Yaman ka ng Bayan” bilang pagbibigay-pugay at sabay pagbibigay-diin sa kahalagan ng kababaihan tungo sa ikalulutas ng kahirapan. Lalong-lalo na ngayon at hayan na, kumakatok na sa ating mga sariling pintuan ang pandaigdigang krisis sa ekonomiya.
Sa Women’s Month Celebration ng syudad ng San Carlos, may pagkakaiba ang dating ng nasabing tema. Ang bersyon nila: Cedaw ng Bayan: Kabuhayan ng Kababaihan. Matinis at walang paligoy-ligoy ang patukoy na sagot sa kanilang pangangailangan. At upang makasigurado, ang kanilang idolo na si Congresswoman Rachel “Baby” Arenas ang kanilang inanyayahang panauhing pandangal at guest speaker. Upang maging opisyal ang lahat, ang Local Councils of Women ay una munang nanumpa sa harapan ng San Carlos City Mayor Julier Resuello. Na sinundan naman ni Hon. Amelia Cayabyab, Chairman ng Committee on Women and Family, ang nagpaliwanag ng mga detalya tungkol sa soap-making, ang napili nilang livelihood program bilang tulong pang-kabuhayan.
Ang panunumpa ng Local Councils of Women of San Carlos: Dr. Amelia P. Cayabyab, chairman; Mrs. Natividad Henson, vice-chairman; Ms Ma. Luisa Novilla, secretary; Representatives – Dr. Maria Gloria Garcia, professional group; Dr. Ellen Santos, academe; Mrs. Jennylyn Villamar, community organization; Mrs. Edna Acosta, religious goup; Committee Chairmen – Dr. Luisa Cayabyab, health chair and submembers Mrs. Marites Bautista and Ms Myra Rosario; Dr. Estrella Valerio, environment chair and submembers Mrs. Aurora Fermin and Mrs. Nady Garcia; Mrs. Carmelita Sana, nutrition chair and submembers Mrs. Getrudes Agbuya and Mrs. Mercedes Resultan; Atty. Araceli Martinez, human rights and policy advocacy chair and submembers Atty. Blenda Ico-Flameno and Mrs. Florencia Obsena.
Ayon sa kanilang panaliksik, nangangailangan ang kababaihan ng San Carlos City ng P65,000 upang makapagsimula na sila sa kanilang livelihood program. Nagbigay ng pledge ang City Mayor Julier “Ayoy” Resuello ng P100,000. Laki ng katuwaan ng lahat nang ang halaga ay tinapatan naman ng Congresswoman. At habang nagtatawanan, nagtutuksuhan pa ang dalawang magkaibigan. Laki ng bunting-hininga, tuwa at pasasalamat ng lahat!
Bago natapos ang selebrasyon, iginawad ni Kongreswoman ang Congressional Commendation at kasamang financial award sa kanyang kabaleyan na si PO3 Ruth Poserio, isa sa napiling Ten Outstanding Police Officers ng Region I. Kasama ni PO3 Poseron ang kanyang anak na si Leninwen at biyenan na si Florentina. Ang mga naka-pink na mga kababaihan ng San Carlos. At naka-pula.
Ang talumpati ng Congresswoman Rachel patungkol sa kaibahan ng kababaihan:
. . . the department heads, the teachers, mga kapitan, the day care workers, the women of the city hall of San Carlos . . .
Iyong hindi ko po nabanggit dahil sa dami ninyo, halos anim na daan po, tandaan nyo lang na sa puso ni Congresswoman, pag binuksan nyo, nandoon lahat ng naka-pink. Hindi lang naka-pink, meron naka-green, may nakapula! Nandoon po kayong lahat sa puso ko. Alam nyo, sabi ko, ako ay gagawa ng speech, siempre Women’s Month ngayon, dapat paghandaan. Kaya lang, I’d rather na magsalita ako sa aking nakikita, I’t rather magsalita sa harap ninyo sa aking nararamdaman, I’d rather tell you what I am experiencing. And more importantly I’d rather speak from my heart.
Una, tingnan natin ang mga facts na ito: 48 % of the newly-hired OFWs, mga 300,000, ay mga kababaihan. Halos kalahati, nagiging DH, nagiging caregivers, nagiging nurses abroad. Sa kadamihan nila, newly-hired lang yan, araw-araw nararamdaman natin, sila at yung mga pamilyang iniwan nila – umiiyak, lumuluha. Sa dami ng kanilang luha, yan po ang nagbibigay-buhay sa kanilang pamilya dito sa Pilipinas.
Pangalawa, 54 members of the House of Representatives are women. They constitute one block, meaning puede po kaming bumoto sa mga issues. Hindi lang yun, siempre ang ating mahal na Pangulo ay isang babae din. Yun lang ang sinasabi ko, Yung katotohanan.
Gusto ko ring sabihin sa inyo yung buhay ni Congresswoman. Hindi lang that ako ang naging pinakaunaang Congresswoman ng 3rd District of Pangasinan. Bakit ako naging Kongreswoman? Because the women not only here in San Carlos but in the whole district, ipinaglaban si Congresswoman Rachel “Baby” Arenas.
Gusto ko lang ipaalam sa inyo three generations of women from my grandmother have been serving the less fortunate. Ang aking Lola is a world-renowned opera singer. Pero hindi lang yon. Sya po ay isang guro. She was an English teacher before she died. That is why I consider myself a member of the DepEd.
Ang aking ina ay kilalang pilantropo, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Pag kami po ay pumunta kagaya sa Hongkong o sa Singapore, napapaluha po ako at nagsasabing sana magawa ko ang ginagawa ng aking ina, dahil pag Linggo nandoon sa plaza, pinagkakaguluhan. Sabi ko, siguro naman meron kaming nagagawang tama. (Itutuloy sa isang linggo….)
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments