Ang love ni Rachel – Distrito 3!
Ang Pagtulong Sa Kapwa
By Pauline
(EDITOR’S NOTE: Ito ang ikalawang report ni Pauline sa mga pinagkakaabalahan ni Congresswoman Rachel Arenas sa ika – 3 Distrito ng Pangasinan.)
Bihira ang pagkakataon na ang isang pambihirang ina at isang pambihirang anak ay pinagdugtong sa iisang panahon. Wari ba’y yaring pelikula o sadyang itinakda.
Hindi si Kongresista Rachel Arenas ang hinabol ng aking kamera at rekorder noong Lunes, ika-23 ng Pebrero sa loob ng pitong (7) oras sa kahabaan at lapad ng ikatlong distrito ng Pangasinan. Nguni’t ang lakad ni Mommy Rosemary Arenas ay mismong lakad na rin ng kanyang anak. “Ito’y kailangan nila” ang pabulong na pakiusap ng mambabatas sa ina.
Kung ang inyong love ay the same, pareho – ang ika -3 distrito – ang bulong ng labi ay bulong ng inyong puso. Sabayan po ninyo ako, tahakin nating muli ang araw na iyon.
Sa Bayambang District Hospital, buong lugod na sinalubong si Mommy Baby Arenas nina Chief of Hospital Dr. Miguel Nicolas, Kong Arenas’ Administrator Jaime Paningbatan, Barangay Kapitana Chato Junio, at mga nurses at midwives. Iniabot ni Mommy Arenas ang sarili niyang donation na nagkakahalaga ng P100,000 bilang tulong sa mga kapuspalad ng distrito na nangangailangan ng libreng medical attention. Ang district hospital ay regular na tumatanggap ng financial assistance mula sa mag-inang Arenas.
Nag-ikot sa mga wards si Mommy Arenas upang kumustahin ang kalagayan ng mga pasyente, tulad ng mga bagong panganak na sina Sharon Vinluan (itaas) at Flory Galsim (ibaba).
At bago siya umalis, ipinagmalaki ni Dr. Nicolas ang mga donasyong hospital equipments tulad ng EKG, Nebulizer at iba pa na mula kay Kong Arenas. Ipinaabot niya sa mambabatas ang kanyang pasasalamat.
Sa pawid na ito sa Sitio Nalsian Sur, Barangay Bani ng Bayambang, isang taon nang hindi halos bumabangon sa pagkahilata sa sahig ang biktima ng hypertension na si Mang Frank Datuin, 56 anyos, dating barangay kagawad. Makitid ang pintuan, kaya nagka-problema si Mommy Arenas at Ka Jaime kung paano iakyat ang donasyong wheelchair. Sa huli, ito’y idinaan na lamang sa bintana at itinabi kay Mang Frank.
Nagmistulang fiesta naman sa Sitio Don Pascual, Barangay Bani ng Bayambang nang kami ay dumating. Tulad ng dati niyang gawi, nakasalampak sa kalsada si Mang Gerry Villanueva, 32 anyos, isang epileptic. Mistulang magic ang pagsulpot sa kanyang harapan ng donasyong wheelchair. Sa simula, wala siyang ipinakitang reaksyon. Nang sumilip ang mahiyain niyang ngiti, kaming lahat ang napabungisngis.
Si Aling Elena Felix, 31 anyos, ng San Carlos ang higit na nakaantig sa aming damdamin. Makikita sa kanyang mukha ang kanyang mga emosyon – awa sa sarili, ang pagsinag ng galak, at matinding pasasalamat. Dalawang taon na siyang di makalakad. Ang motorsiklong kanyang sinasakyan ay sumalpok sa van na pagaari ng malapit sa isang mataas na opisyal ng Urdaneta City. Nasa korte pa rin ang kaniyang usapin.
Sa paghahanap ng mga nanganga-ilangan ng wheelchair, tinawag ang pansin ng ilang napagtanungan ng direksyon ni Mommy Arenas ang isang katatapos na proyektong farm-to-market road. At siya nga ay bumaba at naglakad ng may kalayuan upang ito’y silipin (larawan sa kanan). Ang 81-metrong sementadong kalsada sa SitioLeksab, Bani, Bayambang ay nasimulan at natapos ng walang anunsyo kung kanino itong proyekto. Nguni’t alam ng lahat ng taga-sitio, ito ay handog ng pagmamahal ng kanilang Kong. Rachel. Marami sa mga proyekto ng Kongresista ng ika-3 District ay walang anunsyo, o kung meron man, ay di makatawag-pansin.
Hindi na kinakailangan ang bando-pakabat. Ang mahalaga, ito’y mga proyektong natupad tungo sa ikauunlad ng kanyang distrito. Lab nya ang Distrito tres!
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments