Ang love ni Rachel – District 3!

By February 17, 2009Governance

By Pauline

(EDITOR’S NOTE: This is the first of the weekly series of Pauline’s journal on Congresswoman Rachel “Baby” Arenas’ activities in the 3rd District of Pangasinan, as she talks to her constituents).

MULA sa Davos Conference, tuloy sa Milan, Riyadh, Bahrain at Estados Unidos, at tuloy-tuloy sa regular session ng Congress, at pauwi sa ika-3 distrito ng Pangasinan – ay mahigit na isang linggong kapaguran ng isipan at katawan.

r-1r-2r-3

Nagsiksikan ang mga residente ng Brgy. Bobon sa loob at labas
ng kapilya ng Nuestra Señora Delos Remedios para makita at marinig
si Cong. Rachel. Lumapit ang tagahangang Aldrin at nagpakarga.

Nguni’t masigla pa rin ang pakiramdam ni Congresswoman Rachel “Baby” Arenas nang siya’y makarating sa Pangasinan ika-10 ng Pebrero. I am home again where my heart belongs! ang aniya, kung saan naghihintay ang kanyang mga mahal na mamamayan ng kanyang distrito, ang mga miyembro ng local na liderato, lalong-lalo na ang mga residente ng Bobon, Malasiqui. Si Congresswoman Rachel ang kanilang guest of honor at speaker sa piyesta ng kanilang barangay.

r-4r-5

Bumati si Cong. Rachel sa mga naki-isa sa kasayahan at kwentuhan
sa loob ng kapilya. Habang nagmamasid ang imahen Nuestra Señora
Delos Remedios, si dating Vice-Gov Oscar Lambino ay kausap si
Cong. Rachel kasama ang ibang taga-barangay.

Bago pa makapagsimula ang programa, ang mahinang patak ng ulan ay naging malakas na buhos ngunit ang sabi ng matatanda, ang ulan ay buhos ng biyaya. Sana ay magdilang-anghel nga ang mga matatanda at bumuhos ang higit namaraming biyaya. Ang dating lugar ng selebrasyon, ang malawak at mataong sentro ng barangay, ay nalipat bigla sa loob ng kapilya ng Patron ng Bobon, ang Nuestra Señora Delos Remedios.

At kahit papaano, nairaos din ang programa, ang mga panauhin at ibang taga-barangay ay maswerteng nakaupo o nagkalugar sa loob ng kapilya. Ang ibang di magkasya sa loob ay nanood o nakinig na lamang mula sa labas.

Ang mahalaga. rain or shine, nanduon si Congresswoman at pinaligaya ang kanyang mga tagahanga.

r-6r-7

Masayang sumayaw at nakisalo ang
mga kababaihan ng Bobon, Malasiqui.

Nagsalita siya at ganuon din sina dating Vice-Governor Oscar Lambino, 3rd District Provincial Board Member Romeo Dadacay, SB Member Fred Palaganas at Punong Brgy. Salvador Baroza at ibang miyembro ng kanyang konseho. Ang kababaihan ng Bobon ay masayang sumayaw din. Habang ang programa ay ginaganap, ang imahen ni Hesus at ang Patron ng barangay na si Nuestra Señora Delos Remedios ay mistulang nagmamasid din sa programa. Ang pangalan ng lola ni Congresswoman ay Remedios.

* * * * * * *

Ilan sa mga nabanggit ni Congresswoman Rachel “Baby”Arenas’sa Bobon Fiesta Celebration, February 10, 2009

Noong ako po ay nagsisimula pa lamang bilang inyong congresswoman, kaunti pa lamang ang naniniwala sa aking abilidad at kakayahan. Marahil sa kadahilanang ako ay isang babae. Nawaglit sa kanilang alaala na kahit hindi pa ako congresswoman, nakapagpagawa na rin ako ng mga infrastructure projects. At sa loob ng isa at kalahating taon ng aking panunungkulan, naipamahagi ko ang pondo at naiparating ko sa ika-3 distrito ang mga programa at proyekto na sa ibang congressman ay aabutin ng 10 taon upang maipatupad – state of the art ampitheater, national roads, mga tulay ng Pangulo, flood control at irrigation, at iba pa.

Nguni’t sa akin, hindi ang mga infrastructures na ito ang importante. Ang pinaka-importante ay ang pagkabuo ng inyong trust at confidence sa aking leadership. At ang nadarama kong tunay na pagmamahal na inyong ipinapaabot sa akin at sa aking pamilya. Nakagagalak ng puso kung naririnig ko kayo when you say “We are proud of our congresswoman!”

At huwag kayong mag-alala, ang aking tagumpay ay inyo ring tagumpay. Lahat kayo ay importante sa akin. At hindi ako nakakalimot. Lahat ng mga barangay ay mabibiyaan, kahit na hindi agad-agad.

Ang politika at pamumulitika ay hindi importante sa panahong ito. Ang importante ay samasama tayo, mga tunay na magkaibigan.

Mula sa aking puso at ng aking pamilya, maraming salamat sa inyong lahat.

Back to Homepage

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments

Next Post