Balbaleg ya salamat! Mabuhay so Pangasinan!

COJUANGCO UPDATES

MGA minamahal kong kabaleyan:

Sa panahon ng kampanya, naramdaman namin ang init ng inyong pagtanggap sa akin, bilang inyong paboritong kandidato para gobernador, at sa aking ka tandem para bise gobernador, si Calasiao Mayor Mark Roy Macanlalay.

M&M1

Labis po akong natutuwa at nagpapasalamat dahil alam kong kaisa namin kayo para sa aming adhikain na magkaroon ng Mas Maunlad na Pangasinan.

Inilatag po namin ang aming plataporma, inialay po namin ang aming sarili para mabigyan po kayo ng magandang pagpipilian. Naging bukas po kami upang inyong malaman ang aming tunay na pagkatao at hangaring tapat para sa inyo.

Hatid po namin sa inyo ang maraming taon ng aming mayamang karanasan sa serbisyo publiko, ang dedikasyon sa aming trabaho, ang pagmamahal at malasakit sa lahat ng kabaleyan, lalong-lao na ang mga kapus-palad at walang masasandalan.

M&M2

Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na kami ng lubusan dahil pinapasok ninyo kami sa inyong mga bayan, barangay, tahanan, puso at isipan.

Sana po ay sama-sama tayo upang mabigyan ng tunay na katugunan ang inyong pangangailangan—isang serbisyong tao ang inuuna, hindi sarili muna.

Sa darating na Mayo nuwebe, magka-isa po tayo para sa bagong simula at pumili ng kandidatong tama para sa pinakamamahal nating probinsya. Serbisyong malinis, tapat, makabuluhan, may integridad, may takot sa Diyos at may paninindigan, yan ang inyong maaasahan.

Sigurado pong panatag ang inyong kaisipan at kalooban, ang magandang kinabukasan ng Pangasinan, dahil hinding-hindi kayo pababayaan ng team ng Mark Cojuangco para gobernador at Mark Roy Macanlalay para bise gobernador.

Balbaleg ya salamat. Mabuhay ang Pangasinan. Mabuhay ang bagong simula ng ating probinsya.

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments