PROGRESO NG DUMPSITE TO ‘FUN SITE’, TULOY TULOY NA!

UNLISERBISYO

MATAPOS ang eleksyon, agad-agarang ipinagpatuloy ni Mayor Belen Fernandez ang daily inspection ng dumpsite ng siyudad upang masuri nang mabuti ang progreso ng tuluyang pag-transform nito bilang isang ‘fun site.’  Kasama ang ibang Department Heads at ang ibang mga opisyal mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), nagkaroon ng pagpupulong noong Miyerkules, May 14, upang mapag-usapan ang plantation plan para sa matatayong Eco-Tourism Park sa naturang dumpsite.

Matatandaang pumirma ang lokal na alkalde ng Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Holcim Philippines, Inc. upang matuldukan ang kinahaharap ng siyudad na 60-taong krisis sa basura.  Ang soon-to-rise Eco Tourism Park ay inaasahang makakapagpalago ng turismo at konserbasyon ng kalikasan sa siyudad.  (Dagupan CIO News)

*          *          *          *

DECLOGGING & VACTRON OPERATION PARA MAWALA ANG BAHA SA BONUAN

ISA rin sa mga tinungo ni Mayor Belen Fernandez ang ginagawang manual declogging at vactron operation sa Tondaligan.  Makikita na barado ng buhangin ang ginawang drainage dito sa Tondaligan, dahilan upang makaranas ng pag baha ang mga sitio ng Bonuan Gueset mula sa naipong tubig bunsod ng mga nararanasang pag ulan.

Ang pag alis sa mga naipong buhangin sa drainage ay isa sa mga flood mitigating measures ng siyudad sa ilalim ng City Engineering Office sa pangunguna ni Engr. Josephine Corpuz kasama ang Bonuan Gueset Barangay Council sa pamumuno ni Kap Noel Bumanglag. (Dagupan CIO Photos)

*          *          *          *

CITY ACQUIRES NEW DISASTER RESPONSE VEHICLES

DAGUPAN City, under the leadership of Mayor Belen Fernandez, nakakuha na ng mga bagong 21 new disaster response vehicles ng gagamitin ng iba-ibang city departments and offices to ensure public safety. Rev. Msgr. Manuel S. Bravo, Jr. officiated the blessing of the new vehicles sa City Plaza on Wednesday morning, May 14.

Ang mga brand new disaster response vehicles ay: Ten (10) Toyota Tamaraw, Eight (8) Motorstar Tricycles, One (1) 4×4 Rescue Vehicles, One (1) 4×4 ATV, and One (1) 4×2 ATV.

City Disaster Risk Reduction & Management Council (CDRRMC) Head Ronald De Guzman assured that the people in charge of the vehicles will undergo proper training and procedures. (Dagupan CIO Photos)

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments