
DRAINAGE SYSTEM AT UPGRADING NG KALSADA
SA nalalapit na pagtatapos ng bagong kalsada at drainage system ng Bacayao Sur, binisita ni Mayor Belen Fernandez nitong Miyerkules, May 21, kasama sina Kap. Michael Taminaya, Kgd. Rafael Reyes, Brgy. Admin Jun Abulencia at City Engineer Josephine Corpuz upang matiyak ang pagtaguyod ng “Flood Free Dagupan” project sa lahat ng barangay.
Ibinahagi rin ni Kap. Taminaya na bukod pa sa iwas baha, ang magiging sitwasyon sa kanilang barangay sa tulong ng pagpapataas ng kalsada ay malaking suporta sa pagpapanatili ng kaayusan at kadalian ng trapiko sa loob ng barangay.
* * * *
BAGONG GAWANG KALSADA SA BARANGAY IV, MALAKING TULONG SA MGA ESTUDYANTE
PATULOY ang isinasagawang inspeksyon ni Mayor Belen Fernandez noong May 21 sa mga naipataas na kalsada sa siyudad upang matiyak ang tamang progreso ng programang “Flood Free Dagupan.”
Isa sa mga barangay na kanyang binisita kasama sina Kap. Jun Alfonso Zabala Jr., Kgd. Raul Sayson at City Engineer Josephine Corpuz ang Barangay IV kung saan ito ay madalas na tinatamaan ng mataas na pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan na nagiging sanhi ng malaking problema ng mga pumapasok na mga estudyante.
* * * *
‘BYE BYE BAHA’ NA SA DAANAN PAPUNTA SA PAMILIHAN AT SIMBAHAN
SA ilalim ng programang “Flood Free Dagupan,” isinagawa ni Mayor Belen T. Fernandez, kasama si City Engineer Josephine Corpuz ang pag-iikot at pag-iinspeksyon sa mga kalsada at drainage naipataas sa iba’t ibang barangay ng siyudad simula nitong Miyerkules, May 21.
Ikalawa sa kanilang pinuntahan ay ang Jovellanos Street kung saan kasama rito ang bahagi ng simbahan at ang daanan ng mga mamimili papuntang bayan na laging binabaha tuwing umuulan.
Kinumpirma rin ni Engr. Corpuz na ang tubig na maiipon man sa kalsada ay didiretso na sa main drainage papuntang Magsaysay Bridge.
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments