BAGONG DAY CARE CENTER PARA SA ISLAND BARANGAY SALAPINGAO

UNLISERBISYO

MATATANDAAN na isa rin sa mga proyekto ni Mayor Belen Fernandez na ibinasura ng 7 majority councilors noong 2022, 2023, at 2024 ang pagtatayo ng bagong Salapingao Child Development Center na para sa mga batang walang magamit na ligtas, maayos, at komportableng lugar para sa kanilang pag-aaral. Kasama ring nagtiis ang mga magulang para sa kanilang anak na nasa unang yugto ng pag-aaral. Umabot ng halos tatlong taon bago maka-usad ang proyekto matapos ang 60-DAY SUSPENSION ng tatlong konsehal na kasamang kumukontra sa mga proyekto ng administrasyon.

Sa loob ng 60 na araw, mabilis na umaksyon sa approval sina Vice Mayor BK Kua at New Majority Councilors Michael Fernandez, Dennis Canto, Jigs Seen, Lino Fernandez, at Bradley Benavidez. “Ngayong araw, sama-sama po nating salubungin ang pagsisimula ang bagong Salapingao Day Care Center. Ang proyektong ito ay bunga ng ating sama-samang pangarap na walang batang Dagupeno ang maiiwan sa layunin natin na mabigyan ng dekalidad na edukasyon — kahit nasa isla, kahit gaano kalayo.”, mensahe ni Mayor Belen.

*          *          *          *

‘PARANGAL PARA SA NATATANGING KABABAIHAN NG PAMAYANAN’

SALAMAT, Pugaro Integrated School at DepEd SDO Dagupan!

Ito taospusong pasasalamtat ni Mayor Belen Fernandez sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga bata na may dalang bulaklak at ‘thank you’ messages kasabay “Parangal para sa natatanging Kababaihan ng Pamayanan” program ng Pugaro Integrated School at DepEd SDO in celebration of the 2025 National Women’s Month this March.

“Ako pa ang na surpresa!” Thank you, SDS Dr. Rowena Banzon, PIS School Principal Gary Desoloc at sa Pugaro Integrated School community, PTA Pres. Jesica Talan, at sa Pugaro Barangay Council sa pamununo ni Kap. Nestor Victorio. “Ngayong araw, sama-sama po nating salubungin ang pagsisimula ng pagpapatayo ng isang bagong covered court gymnasium para sa inyong paaralan.  Matagal natin itong hinintay.”

*       *          *          *

MBTF: MGA MAGULANG AT GURO ANG KAAGAPAY NATIN SA EDUKASYON

KINIKILALALA ni Mayor Belen Fernandez ang mahalagang papel ng lahat ng mga miyembro ng Parents-Teachers Association (PTA) sa pagpapahusay ng edukasyon ng mga kabataan.

Sa 2025 PTA SUMMIT at sa ika-limang pagkakataon sa ilalim ng Belen administrasyon ang mga magulang at guro ay may boses sa pagtalakay ng mga priority projects na maaring ipatupad sa tulong ng siyudad, Department of Education (DepEd) SDO sa pamuno ni SDS Rowena Banzon ng Division of Federated Parents-Teachers Association sa pangunguna ni DFPTA President Annette D. Pradez.

“Lahat ng project proposals ay manggagaling po sa inyo… in support to bridaga eskwela and for the preparation of the 2026 budget…Lahat ng paaralan, WALANG MAIIWAN!  “That’s a commitment!”, ani Mayor Belen.  Kasama ang City Mayor’s Office Chief of Staff Luz de Guzman at City Engineer Josephine Corpuz, inisa-isa rin ng siyudad ang apatnapu’t dalawang mga proyektong ongoing sa mga paaralan.

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments