ARAW-ARAW TAYO SA DUMPSITE

UNLISERBISYO

KINAKAILANGAN ng regular ang pag monitor ng progresong ng trabaho sa dumpsite patungo sa tuluyang pagpapasara nito. Ayon kay Mayor Belen Fernandez, may sistema at “consistent” na nagkakarga ang mga dump trucks upang mawala na ang dating bundok ng basura na ngayon ay mahaba na ang napatag.

Hindi rin nasasayang ang dredging materials na nakukuha sa paglilinis ng ilog na ginagamit as backfill sa mga area na nalinisan na ng 60-year-old na ang krisis ng Dagupan sa basura. Sa tulong ng mga barangay, unti-unti itong maisara simula sa wastong pag-segregate ng basura.

*       *          *          *

PRIORITY ANG BUHAY NG MGA PAMILYANG INDIGENT DAGUPEÑO

ANG regular na consultations sa mga Dagupeño na humihingi ng tulong financial para sa kanilang medical, food, education, livelihood, burial assistance at iba pang mga pangangailangan ay dapat gawin upang magawa ang mga dapat na tulong para mapaganda ang buhay ng mga taga-Dagupan.

Ani Mayor Belen Fernandez, sa ganitong paraan makikita ang mahusay na pagtupad ng pag-deliver ng social programs para sa mga taga Dagupan. Ito ay nakasaad sa pangako ng Daguapn City sa  SDG 1: “No Poverty”, one of the United Nations’ 17 Sustainable Development Goals (SDG).

*          *          *          *

‘MAARON INA’ PROGRAM, INILUNSAD

ANG mga ina bilang ilaw ng tahanan ay likas na mapagmahal at laging nasa isip ang kapakanan ng kanilang pamilya.  Sila ang “Maaron Ina” na inspirasyon ng bagong lunsad na programa ni Mayor Belen Fernandez.  Nag-umpisa na sa Barangay Salapingao ang programa at dadalhin sa lahat ng barangays sa layunin ng alkalde na direktang mapakinggan ang bawat hinaing ng mga nanay na nangangailangan ng tulong.

“Kapag kailangan ninyo ng tulong at hindi alam gagawin, KAMI PO AY NARIRITO. HANDANG TUMULONG SA INYO.” pagbabahagi ni Mayor Belen na nagsisilbi rin bilang Ina ng lungsod.

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments