‘FIRST EVER’ 2-STOREY 4-CLASSROOM SCHOOL BLDG SA LASIP GRANDE ELEMENTARY SCHOOL

SISIMULAN nang itayo ang kauna-unahang 2-storey 4-classroom school building para sa mga mag-aaral ng Lasip Grande Elementary School.  Mga kasama para pasimulan ang proyekto ay sina Vice Mayor BK Kua, Councilors Michael Fernandez, Dennis Canto, DepEd School Division Superintendent Dr. Rowena Banzon, DepEd Engr. Tatum Grace Manzano, Public Schools District Supervisor Debbie Ghan, LGES Principal I Dr. Jennifer Pulido, SPTA President Junavie Nuenay, Kap. Armando Capito, SK Chair Nap Claveria Jr. and council members.

“This groundbreaking ceremony today is one of those days when we can honestly say to ourselves that we did something good, something right, not for ourselves, but for the people in need. Thanks to our City Engineering Office Team led by Engr. Ampin Corpuz for her efforts that led to the possibility of this occasion,” ani Mayor Belen Fernandez.

*          *          *          *

MEDICAL MISSION SA 31 BARANGAYS

ANG ating medical mission ay umiikot po sa lahat ng 31 barangays para masigurong malusog at protektado ang lahat (mula bata hanggang senior citizens) laban sa sakit.

Sa Barangay Calmay, kasama sina Kap. Joven Salayug at ang City Health Office Medical Mission team hatid ang mga sumusunod na pediatric services:  Medical Check-up/Dental/Laboratory tests (hemoglobin, urinalysis)/Mobile X-Ray/Feeding/Health Education about W.I.L.D (Water-borne infectious diseases, Influenza, Leptospirosis and Dengue).

Nakapagbigay rin ng Chuckie chocolate milk drink at Bear Brand powdered milk para sa mga bata.

*          *          *          *

MAY PAKIALAM AT MAY MALASAKIT.

“TULAD po ng ating mensahe kaninang umaga sa regular flag raising ceremony ng ating lokal na pamahalaan, “may pakialam at may malasakit”, ganito tayo sa ating social services program. Kapag may nakikita po tayong kabaleyan na may problema, huwag nating pabayaan hanggang maayos ito at kahit papaano ay mapagaan ang kinakaharap na suliranin.

Hindi po tayo humihinto.” – Mayor Belen Fernandez.

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments