BURGOS ST., IPATATAAS NA RIN

UNLISERBISYO

SASAILALIM rin sa rehabilitasyon ang binabahang kalsada ng Burgos St. sa bahaging ito ng Barangay IV.  Ang gagawing proyekto ang isa sa mga ininspeksyon ni Mayor Belen Fernandez kasama ang DPWH Pangasinan 2nd Engineering District, Engr. Joel Bautista, Engineer II, at City Engineer Josephine Corpuz para sa gagawing pag-papataas ng kalsada at construction ng drainage system. Pinondohan ito ng P5 Million sa tulong ni Congressman Christopher “Toff” de Venecia at ng DPWH.

“Ni request po natin na idugtong na ang proyekto sa existing road elevation mula Rivera St. patungong Rizal Ext.” Pahayag ng alkalde. Samantala, naananatili namang naka binbin ang proyekto para sa kabilang kalsada sa Jovellanos St. na ilang taon nang pinagaaralan ng Majority 7.

*          *          *          *

PROYEKTO VS. BAHA SA POGO GRANDE, SUNOD NA BINISTA NI MBTF

DERETSO din ang mga proyekto kontra baha sa Barangay Pogo Grande na sunod na binisita ni Mayor Belen Fernandez kasama sina City Engineer Josephine Corpuz at DPWH Pangasinan 2nd Engineering District Engr. Joel Bautista, Engineer II. Mula sa tulong ng DPWH at ni Cong. Toff de Venecia ang P5M road elevation and construction of drainage system project sa Sitio Boquig, Brgy. Sitio Boquig.

Nagkaroon na rin ng konsultasyon sa mga residente tulad ng request ng mga taga-Sitio Boquig na gawin na ring pathway ang magsisilbing drainage outlet ng proyekto. (Dagupan CIO News)

*          *          *          *

MEDICAL MISSION FOR KIDS UNDER ALAGANG HEALTHY DAGUPEÑO

ABOT sa isang-daang mga bata sa Barangay Bonuan Boquig ang tumanggap ng libreng serbisyong medikal sa Alagang Healthy Dagupeño Medical and Dental Mission ni Mayor Belen Fernandez noong October 22, hatid ang mga sumusunod na serbisyo: Medical Check-up, Dental Services, Laboratory Tests (Hemoglobin, Urinalysis), Mobile X-Ray, Feeding Program (c/o Nutrition) Health Education tungkol sa W.I.L.D (Water-borne infectious diseases, Influenza, Leptospirosis and Dengue),e-Konsulta registration.

Bukod sa mga serbisyong ito ay tumanggap ang lahat ng bata ng gamot at vitamins mula sa City Health Office, Bear Brand powdered milk at mini chocolate chip cookies mula kay Mayor Belen.

Kasama ng alkalde sa pag-abot nito sa tulong ng Bonuan Boquig Council sa pangunguna ni Kap. Joseph Maramba, CHO Doctors, Brgy. Nurses and CHO staff at SK Council sa pangunguna ni SK Chairman Ava Jel Cantago.

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments