BAGONG GAWANG KALSADA SA SITIO POLONG, PANTAL SENTRO TAPOS NA
UNLISERBISYO
DAHIL kompleto na ang proyektong ito sa Sitio Polong-Sentro, Brgy. Pantal, “smooth na smooth” at maayos nang nakakapasok ang mga mag-aaral sa Pantal Elementary School sa nagsisilbing access road patungo sa kanilang paaralan. Ayon sa mga residente, “Malaking tulong po sa amin na hindi na nababaha ang daan namin”.
Ongoing din ang mga proyekto ng siyudad sa Pantal ES tulad ng Site Development, concreting of grounds at elevation of pathways, na bahagi ng flood mitigation projects ni Mayor Belen Fernandez at suporta sa edukasyon ng mga kabataan. Personal na bumisita si Mayor Belen sa Pantal ES upang batiin ang mga guro, magulang, at mga mag aaral sa kanilang programa ngayong National Teachers Month. (Dagupan CIO News)
* * * *
2ND SUPER FAMILY HEALTH CENTER, ITATAYO SA SITIO FISHERIES BRGY. MALUED
INIHAHANDA na sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez kasama ang Department of Health (DOH) Region I, City Engineer Josephine Corpuz at Barangay Council sa pamumuno ni Kap. Pheng delos Santos ang gagawing site development sa bahagi ng Sitio Fisheries, Barangay Malued para sa pagpapatayo ng ikalawang Super Family Health Center (SFHC) sa Dagupan.
Ayon kay Dr. Kai R. Sibayan ng DOH Health Facility Enhancement Program, ang proyektong ito mula sa DOH ay kapareho ng Super Family Health Center sa Barangay Bolosan na kasalukuyang nang napakikinabangan ng mga taga eastern barangays at maghahatid ng libreng serbisyo medical tulad ng check-up and consultation, gamot, dental check-up, birthing, minor operation, circumcision, Laboratory (CBC, Hematology, Urinalysis), Blood Chemistry (Check-up blood sugar) at TB Dots.
Katuwang din sa proyektong ito ang DPWH para sa construction ng gusali.
Target na maserbisyohan ng ipatatayong Super Health Center sa Malued ang mga karatig barangays ng Pogo Chico, Lasip Chico, Pogo Grande, at Lucao. (Dagupan CIO News)
* * * *
ALAGANG HEALTHY DAGUPENO MEDICAL MISSION
UPANG masigurong protektado ang lahat laban sa sakit ang mga batang Dagupeño ng may edad 0 hanggang 18 naman ang target ng “Alagang Healthy Dagupeño” Medical Mission program ni Mayor Belen T. Fernandez.
Matapos ang mga senior citizens mula sa 31 barangays ng Dagupan, inihahatid rin ngayon ng siyudad, sa pangunguna ni Mayor Belen at City Health Office, ang mga sumusunod na serbisyo para sa mga bata:
Pediatric Services: Medical Check-up, Dental, Laboratory tests, Mobile X-Ray, Feeding c/o Nutrition, Health Education about W.I.L.D (Water-borne infectious diseases, Influenza, Leptospirosis and Dengue). Personal ding tinungo nina Mayor Belen kasama si Vice Mayor BK Kua ang aktibidad sa Brgy. Pogo Chico noong, October 8. Noong October 9 ay nasa Barangay II & III ang Medical Mission team. Nakatanggap ang lahat ng mga bata ng Chuckie chocolate milk drink at Bear Brand powdered milk mula sa alkalde. (Dagupan CIO News)
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments