MAGING MAPANURI SA BINIBILING BANGUS!

By September 14, 2024Governance, Punch Gallery

UNLISERBISYO

KASUNOD ito ng mga nakumpiskang bangus mula sa ibang bayan na “unfit for human consumption”.

Base ito sa pagsusuri ng City Agriculture Office at City Health Office – Sanitation Division sa mahigpit na monitoring ng siyudad sa mga ipinapasok at binebentang bangus sa ating pamilihan.  “Ang mga “tangok” na bangus na ito na ipinupuslit galing sa labas ng Dagupan ang ating tinututukan para sa proteksyon ng mga mamimili.” Pahayag ni Mayor Belen Fernandez na personal na nagtungo sa Magsaysay Fish Market nitong umaga.

“Seryoso po tayo sa pag protekta ng ating produktong Dagupan bangus”, dagdag ng alkalde sa pagtitiyak na ligtas at malinis ang mga ibinebentang isda sa lungsod. (Dagupan CIO News)

*          *          *          *

90 % NG BRGY. BACAYAO SUR LUBOG SA BAHA

NUBENTA porsyento (90%) ng Brgy. Bacayao Sur ang lubog ngayon sa baha dahil sa diretsong pagdaloy ng tubig rito mula sa matataas na lugar; ito’y bukod sa high tide na nararanasan ng siyudad na may taas na 3.02 talampakan.

Maagang pinuntahan ni Mayor Belen Fernandez ang lugar upang mamahagi ng mga relief supplies sa mga apektadong residente, kasama ang barangay council ng Bacayao Sur sa pangunguna ni Kap. Michael Taminaya at disaster preparedness team sa pamumuno ni CDRRMO Chief Ronald de Guzman. Ayon sa alkalde, taong 2022 pa nakalinya ang proyekto para sa pagpapaataas ng kalsada at drainage system sa barangay, subalit hanggang ngayo’y pinag-aaralan pa ito ng pitong konsehal, dahilan kung bakit hindi pa masimulan ang proyekto. (Dagupan CIO Photos)

*          *          *          *

ADDITIONAL DSWD RELLIEF PACKS PARA SA MGA NABAHA

BALIK sa paghahatid ng DSWD relief packs sa mga pamilyang apektado ng pagbaha sa Brgy. Poblacion Oeste ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez.

Lubos ang pasasalamat ng siyudad sa tulong na ito mula DSWD sa pamumuno ni Sec. Rex Gatchalian.

Kaagapay ng alkalde sa pagpapamahagi nito sina Vice Mayor BK Kua, Councilor Michael Fernandez, Atty. Joey Tamayo, Danielle Canto, katuwang ang Pob.Oeste Barangay Council sa pamumuno ni Kap. Macmac Gutierrez, buong pwersa ng disaster preparedness team sa pangunguna ni CDRRMO Chief Ronald de Guzman, CSWDO, Dagupan PNP and BFP, at mga barangay volunteers.

Wala ring hinto ang paalala sa publiko na sa banta ng leptospirosis kasabay ng pagpapamahagi ng Doxycycline capsules at ng Poten-cee Forte Vitamins sa tulong naman ng Pascual Laboratories.(Dagupan CIO Photos)

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments