BAHA SA SESAME ST., BRGY. TAPUAC, ININSPEKSYON, GINAWAN NG SOLUSYON
UNLISERBISYO
MAAGANG nagsagawa ng inspeksyon si Mayor Belen Fernandez sa bahaging ito ng Sesame Street, Barangay Tapuac, upang masolusyunan ang malimit na pagbaha rito. Sa pagsusuri kasama si City Engineer Josephine Corpuz, kapansin-pansing wala itong drainage na magsisilbi sanang daluyan ng tubig tuwing maulan o high tide. Bilang solusyon, ayon sa alkalde, mag-uumpisa nang pataasin ang kalsada at konstruksyon ng epektibong drainage system. (Dagupan CIO News)
* * * *
PAMBANSANG ARAW NG MGA BAYANI
PAGBIBIGAY pugay at dangal sa tagumpay ng ating mga bayani ngayong National Heroes Day.
Nakikiisa ang Lungsod ng Dagupan sa pamumuno ni Mayor Belen Fernandez, sa espesyal na araw na ito, ika-26 ng Agosto, 2024 bilang paggunita sa Pambansang Araw ng mga Bayani.
Para sa magigiting na bayani ng ating lahi!
* * * *
UNAEN SU MAIRAP BILAY
UPANG masuyod ang lahat ng nangangailangang Dagupeño, inilunsad ni Mayor Belen Fernandez ang programang UMB (Unaen su Mairap Bilay). Kahalintulad ng ‘home visit program’, ang lokal na pamahalaan ang mismong bumababa sa mga sitio ng barangay. Pokus ng UMB na mai-angat ang nutrisyon ng mga indigent Dagupeño, prayoridad ang mga bata na may medical condition na tututukan ng City Nutrition Office, CSWD, CHO, CMO, CEO, BHWs, BNS, BSPOs at barangay officials.
Kabilang sa mga personal na binisita ni Mayor Belen nitong August 28 ang 8 month old na si Baby Shiela Jane mula Brgy. II & III. Ipinanganak siyang may meningocele o bukol sa kanyang spinal cord. Hirap din ang mga magulang na ipatingin sa doktor ang kondisyon ng bata.
Gayon din ang 3-year-old mula Brgy. Pantal na si Zion na may hydrocephalus at ang 22 month old na si Gellan. Sa pagsusuri ng ating City Nutrition Office, severely underweight at severely stunted ang mga bata.
Bilang tugon, sila ay sasailalim sa regular check-up at provision of food assistance/hot meals upang mapabuti ang kanilang nutrisyon at kalagayan. Mensahe ng alkalde, lahat dapat ay magtulong-tulong, “upang magampanan natin ang mga layuning nakapaloob sa UN Sustainable Development Goals, partikular na ang “SDG 3: Good Health & Well-being at SDG 1: End Poverty”. (Dagupan CIO News)
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments