“PUROKALUSUGAN SA BAGONG PILIPINAS” NG DOH, INILUNSAD SA DAGUPAN!
UNLISERBISYO
SA Dagupan City inilunsad ng Department of Health – Ilocos Center for Health Development 1 (DOH-CHD 1) ang ‘Purok Kalusugan’ na pinakabagong “primary care program” para sa mas pinalalawig na paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan.
Tulad ng programang “Home Visit” ni Mayor Belen Fernandez target ng ‘PuroKalusugan sa Bagong Pilipinas na maibaba ang mga health services sa mga purok sa bawat lokalidad sa rehiyon. Ihahatid po dito ang mga primary care services kabilang ang immunization, oral health, maternal health, tuberculosis control program, nutrition, non-communicable disease prevention and control program, and environmental and sanitation services.
Para sa kampanya tungo sa kalusugan ay nagtanim rin ang DOH, LGU Dagupan, at barangay council ng puno ng malunggay sa paaralan ng East Central Integrated School. Nagbahagi ng iron fortified rice para sa nutrisyon ng mga chikiting, Enfamama milk supplement for pregnant and breastfeeding moms, feeding mula sa City Nutrition office, at iba pang serbisyo sa mga dumalo upang magpakonsulta. (Dagupan CIO News)
* * * *
SALAPINGAO EVACUATION CENTER, SILID ARALAN DIN NG MGA JUNIOR HIGH SCHOOL
MALIBAN sa kapakinabangan sa panahon ng kalamidad bilang evacuation center ng mga taga island barangay sa Salapingao, nagsisilbi rin ngayon itong silid-aralan para sa mga junior high school students ang pasilidad na sinimulang itayo sa termino ni Mayor Belen Fernandez noong 2016.
Ito ay habang nagpapatuloy ang repair at rehabilitasyon ang Salapingao High School building matapos napinsala ng lindol noong 2022. Pinuntahan ng alkalde ngayong hapon, July 31, ang mga taga Salapingao, kasama ang mga kawani ng DSWD upang maibahahi ang relief goods sa mga nasalanta ng kalamidad dito. (Dagupan CIO Photos)
* * * *
BINABAHANG DAAN, MGA KABAHAYAN SA SITIO CARICAAN, POGO CHICO, SOSOLUSYUNAN
NANANATILING lubog sa baha ang mga kabahayan sa Sitio Caricaan, Brgy. Pogo Chico sanhi ng matinding habagat na sinabayan ng high tide.
“Ramdam natin ang hirap ng mga pamilyang narito,” pahayag ni Mayor Belen Fernandez sa kanyang personal na pagiikot sa barangay kasama sina City Engineer Josephine Corpuz upang bigyang solusyon ang nararanasang pagbaha sa mga bahagi ng siyudad na nananatiling mababa.
Nakatakdang magsagawa ng ‘Operation Sitio’ sa lugar upang maibsan ang pagbaha sa tulong ng City Engineering Office, Pogo Chico Barangay Council sa pamumuno ni Kap Edwin Estrada Cusi, at mga residente sa pamamagitan po ng bayanihan. (Dagupan CIO News)
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments