MGA MAGSASAKA, HINIHIKAYAT NA IPA-INSURE ANG KANILANG MGA PANANIM
SA ginawang dialogue at consultation sa mga magsasaka sa Dagupan na isinagawa ng city government sa pangunguna ni Mayor Belen Fernandez at City Agriculture Office (CAO), naituro ni CAO Head Mary Ann Salomon, na sa pamamagitan ng pagkuha ng crop insurance, magiging panatag ang mga magsasaka kung may proteksyon ang kanilang saka lalo na ngayong panahon ng tag-ulan dahil mababawi ang kanilang puhunan sa mga hindi inaasahang pinsala dala ng kalamidad.
Sakop ng insurance program sa Philippine Crop Insurance Corp (PCIC) ang mga danyos sa mga pananim dahil sa sakit/pest infestation at natural calamities katulad ng bagyo, baha, tag-init, buhawi at lindol. Pagtitiyak ni Mayor Belen, nakaalalay ang city government sa kabuhayan ng mga magsasaka lalo na sa pagtugon sa mga kinakailangang farm equipment. (Dagupan CIO News)
* * * *
‘ARUGA SA SENIOR CITIZENS’ MEDICAL MISSION, AABUTIN ANG 31 BARANGAYS NG SIYUDAD
PATULOY ang ‘Aruga sa Senior Citizens’ sa Dagupan City sa paraang pagsasagawa ng medical mission hangga’t sa maabot lahat ng 31 barangays ng siyudad. Sabi ni Mayor Belen, katuwang ang City Health Office, nasa ika-28 barangay na ang Medical Mission Team na naghahatid ng libreng serbisyong pang kalusugan sa mga minamahal nating lolo at lola.
Bitbit ang mga sumusunod na serbisyo:
- Free-Medical Check Up( Laboratory test (FBS, Cholesterol, Uric Acid, Hemoglobin, Urinalysis)/Medicines/Pneumococcal Vaccine/ Dental Services / Mobile Xray.
- Registration for Osteoarthritis, Diabetic Club, Cataract, and High Blood (Hypertension club) at Online Registration for National Commission of Senior Citizens (NCSC National Data)
- Bakuna Champion Campaign
- Social Pension (RA.9994)/ Program and Activities for Senior Citizens 2024/Senior Citizens ID Application with Booklet.
- Hot meals from the City Nutrition Office (Dagupan CIO News)
* * * *
SEEDLINGS NG PRUTAS AT GULAY, IBINAHAGI NG SIYUDAD SA MGA PUBLIC SCHOOLS
IBINAHAGI ng siyudad, sa pamamagitan ng City Agriculture Office, ang mga punla ng prutas at gulay sa mga opisyal ng DepEd Dagupan upang palaguin ito at dagdag nutrisyon para sa mga batang mag-aaral. “Sana’y mapalago natin ang mga ito, nang sa gayo’y maging self-sufficient ang mga paaralan sa masustansiyang pagkain, at dahil ang gulayan natin ay malaking tulong sa ating feeding program”, ani Mayor Belen Fernandez.
Tumanggap din ang mga paaralan ng 3 units of knapsack sprayer, seedling tray, 5.2Kg of commercial fertilizer, 1 bag of organic fertilizer at mga IEC Material. May 500 puno ng malunggay din ang itatanim sa mga paaralan at barangay. (Dagupan CIO News)
Share your Comments or Reactions
Powered by Facebook Comments