FOOD WASTES, GAGAWING ORGANIC FERTLIZER

UNLISERBISYO

BUBUHAYIN na muli ang pag-proseso ng mga food waste upang gawing organic fertilizer matapos ang koordinasyon ng Waste Management Division (WMD) sa pangunguna ni Kap. Bernard Cabison at City Agriculture Office sa pangunguna ni Ms. Mary Ann Salomon.

Nag-inspeksyon si Mayor Belen Fernandez sa dumpite upang bisitahin ang pasilidad ng composting para sa paggawa ng organic fertlizers pagkatapos nanawagan si Mayor Belen ang patuloy na waste segregasyon sa bawat kabahayan at pamilihan. Ayon kay Salomon, ang isang 50 kilos na commercial fertilizer ay umaabot sa P4000, samantala ang 100 kilos ng foodwastes na gagawing pataba ay makakagawa na ng 10 to 12 kilos na fertilizer. Samantala, nagsisilbing hamon parin ngayon ang nakabinbin na supplemental budget sa 7 majority councilors ng Sangguniang Panlungsod para sa mga kagamitan para sa epektibong pagproseso ng basura tulad ng glass pulverizer, plastic compactor at dump truck para sa paghahakot ng mga ito papunta sa Holcim. (Dagupan CIO Photos)

*          *          *          *

MBTF TO FRONTLINERS: BILIB AKO SA INYONG UNLISERBISYO!

PINAABOT ni Mayor Belen Fernandez ang kanyang paghanga sa mga ‘HERO’ ng siyudad na kasalukuyang sumasailalim sa Health Emergency Response Operations (HERO) Training mula sa Department of Health (DOH).

Kinabibilangan ito ng mga first responders ng siyudad mula City Health Office emergency medical team, CSWD, Nutrition, CDRRMC, at iba pang frontliners para sa mas pinahusay na coordination mechanism for public health response. Nagsilbing resource speakers sina Operation Center Emergency Officer Alvin Barros ng DOH Central – Health Emergency Bureau, Dr. Eloy Bueno, Dentist Ill Pangasinan Provincial Health Office, at Dr. Marianne Beatrix Nicolas, Dentist III, Program Coordinator Medical/ Public Health Center, Quirino Provincial Health Office.  (Dagupan CIO Photos)

*          *          *          *

MALUED, CALARIN ROAD GOING TO OLD DE VENECIA ROAD PROJECT, PATAPOS NA!

ILANG araw na lamang ang inaantay at tapos na ang ginagawang kalsada at epektibong drainage project mula Calarin at Tranquilino-Siapno Road, Brgy. Malued going to Old de Venecia Road, Tapuac – Lucao.

Personal na nag-inspeksyon si Mayor Belen Fernandez sa naturang lugar kasama sina City Engineer Josephine Corpuz upang masiguro na nasusunod ang mga specifications at walang pagkaantala sa proyekto.  Pinondohan ng lungsod ng P15 million ang nasa 460 linear meter na proyektong bahagi ng flood mitigating measures ng siyudad. (Dagupan CIO News)

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments