UNLISERBISYO SA DAGUPAN

DAPAT TAMA ANG DATOS NG DAGUPAN

NAGSASAGAWA ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng training para sa “Census of Population and Housing and Community Based Monitoring System” para masiguro na tama ang koleksyon ng impormasyon o “datos” kaugnay sa bilang ng mga bahay at pamilya sa kumunidad.

Binigyang importansya rin ni Mayor Belen Fernandez ang gagawing data gathering sa tulong ng mga enumerators, at census area suppervisors sa pangangasiwa ng Philippine Statistics Authority – Pangasinan team na narito sa Dagupan sa pangunguna ng kanilang Senior Statistical Specialist Head, Ms. Verna Palsimon, at Census Area Supervisors, Ms. Abegail Jane Garin, Ms. Joann Velasco, Mr. Herman Roderick Cancino, and Mr. Gob Villanueva at mula sa City Planning and Development Office (CPDO) ng Dagupan ENP. James Louell Fernandez and ENP. Natacia R. Dizon PDO III, POPCEN-CBMS Focal Person.  (Dagupan CIO News)

*          *          *          *

MAY CERTIFIED BANGUS DAGUPAN NA, IBANG BANGUS, MAY HIWALAY NA LUGAR

SIMULA July 11, ipinapatupad na ng siyudad ang “labeling system” sa ating pangunahing pamilihan ng isda, Ang Magsaysay Fish Market. Pinangunahan ni Mayor Belen Fernandez ang implementasyon nito, kasama sina DTI Director Natalie Dalaten, Barangay Uno Kapitan Hermie Rosal at City Agriculture OIC Patrick Dizon na siyang punong-abala sa paglagay ng “label” sa Dagupan at iba’t-ibang pinagmumulan ng bangus, tulad ng Anda at Sual.

Bukod sa maprotektahan ang industriya ng bangus sa siyudad, layunin din ng labelling system na ito’y upang makita agad ng mga mamimili ang Certified Dagupan Bangus na siyang kilala sa buong mundo dahil sa pambihirang sarap nito. “Upang masiguro ng mga consumers na ang binibiling bangus ay certified Bangus Dagupan, ating ipatutupad ang paglalagay ng labels sa mga banyera kung saang bayan nanggaling ang bangus na binibenta,” ani Mayor Belen. Nagpasalamat din ang alkalde sa kooperasyon ng mga consignacion wholesalers. (Dagupan CIO News)

*          *          *          *

TULONG PINANSYAL PARA SA MAHIHIRAP

MAYROONG 110 indigent beneficiaries ang tumanggap ng tulong pinansiyal para sa burial, medical, victim compensation, livelihood, educational, at food assistance ngayong umaga sa city plaza. Personal itong ipinaabot ni Mayor Belen Fernandez sa mga benepisyaryo bilang bahagi ng unli social services ng siyudad sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program. (Dagupan CIO News)

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments