MBTF: KUNG SAAN ANG PROBLEMA, DUN TAYO, LET’S SOLVE THEM TOGETHER!

UNLISERBISYO NI MAYOR BELEN

“SA panahon ng bagyo at pagbaha, doon po tayo po mas kailangan magi-Ikot.” Ayon ito kay Mayor Belen Fernandez upang aktwal na makita ang mga prayoridad para sa flood mitigation.

Kasama si City Engineer Josephine Corpuz, sinuri ni Mayor Belen ang sitwasyon sa Calmay at Carael habang nararanasan sa Dagupan ang epekto ng Habagat na pinalakas ng bagyong Carina. Partikular dito ang Sitio Pangasinan-Ilocano, para tignan ang epekto ng ginawang dike bagamat ayon sa alkalde, kailangan pa rin ng pagpapataas ng daan at drainage system sa lugar. Sa barangay road ng Carael, bagamat nasimulan na ng siyudad ang pagpapataas ng kalsada at kanal ay kinakailangan pa rin ang pagpapatuloy upang makumpleto na ito.

Nakalinya na ang pagpapatuloy ng road elevation and drainage system sa barangay upang masolusyunan ang pagbaha mula sa ilog na matagal nang problema. Noon po sana ito nagawa kung wala ang pag-kontra mula sa 7 Majority members ng Sanggunian dahilan sa “kapos” na pondo para sa mga flood mitigation programs ng Dagupan.

*          *          *          *

CHO, ABALA SA PAMAMAHAGI NG IMPORMASYON, GAMOT VS. LEPTOSPIROSIS

KASABAY ng nararanasang pag-ulan na sinabayan ng high tide at pagbaha sa mga mababang lugar ng Dagupan ay mas pinaigting pa ng City Health Office (CHO), sa direktiba ni Mayor Belen Fernandez, ang pag-iikot sa mga barangay upang mamahagi ng Doxycycline o gamot kontra leptospirosis.

Kabilang sa mga pinuntahan ng team na binubuo ng CHO nurses at Tambac Barangay Council ay ang mga residente sa Sitio Tambac-Melag kung saan abot-binti ang baha. Maliban sa Doxycycline capsules na nabili ng siyudad ay nag turn-over din ang DOH na libreng ipamamahagi sa tulong ng mga barangay nurses. Prayoridad rin na mabigyan nito ang mga market vendors, tricycle drivers at jeepney drivers sa lungsod.

Paalala ng CHO, ang sakit na Leptospirosis ay nakukuha sa paglusong sa baha o pag-inom ng tubig na kontaminado ng ihi ng hayop, tulad ng daga, na may Leptospira – isang uri ng bacteria. Nakapapasok ang Leptospira sa mga sugat at galos sa balat na nababad sa tubig-baha.

Ang mga sintomas ay ang pagkakaroon ng lagnat, muscle pain, headache, sakit ng tiyan, paninilaw, pamumula ng mata, konti ang ihi, hirap sa paghinga at diarrhea. Pinaalala din na bawal ang Doxycycline sa mga buntis, breastfeeding mothers, may allergy sa Doxycycline, may sakit a bato at atay, at sa mga bata edad 18 years old pababa. (Dagupan CIO News)

*          *          *          *

CERTIFIED PALAY SEEDS MULA SA DA, IBINAHAGI SA MGA MAGSASAKA

SA direktiba at inisyatibo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para palakasin ang produksyon ng palay sa bansa, 45 bags ng Certified Seed mula Department of Agriculture (DA) ang ipinamahagi ni Mayor Belen T. Fernandez at ng City Agriculture Office para sa mga magsasaka mula barangay Mangin at Salisay.

Tinanggap ito ng 27 rice farmers na bumubuo sa Mauksoy Salisay Irrigators Association para sa paparating na rice planting season ngayong buwan (3rd week of July) at mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng DA. (Dagupan CIO News)

Share your Comments or Reactions

comments

Powered by Facebook Comments